Angelica

Angelica kausap na ang lawyer para kilalanin ng ama ang kanyang anak

February 26, 2024 Eugene E. Asis 100 views
Angelica1
Angelica Jones kasama sina (mula kaliwa) Beaver Magtalas, Mutya Orquia, Direk Gabby Ramos at Dennis Padilla

HANGGANG ngayon ay ayaw pa ring kilalanin ang 11-year-old na anak ng singer-actress na si Angelica Jones na si Angelo ng biological father nito kasabay ng pagtanggi sa pagpirma ng birth certificate ng bata, na isa raw sa requirements para maka-graduate ang bata.

Sa presscon ng kanyang bagong pelikulang “When Magic Hurts”, naglabas ng sama ng loob si Angelica.

Mangiyak-ngiyak si Angelica nang tanungin namin tungkol sa pinagdadaanan. “Very emotional po talaga ako ngayon kasi sobrang iyak ng anak ko kagabi pa.

“Meron kasi yung parang deadline, one week, for birth certificate ng anak ko. And I told my son na puwede namang ilagay sa pangalan ko. Pero ayaw niya talaga. “Masakit sa nanay, nakakadurog ng puso pag anak mo na umiiyak. So, my son, sobrang iyak nang iyak siya last night (Friday, February 23). And my son is graduating Grade 6. So hindi siya makaka-graduate kung walang birth certificate.

“Ang kailangan lang pirma, doon nakasalalay future ng anak ko for high schooland college kasi mataas pangarap ng anak ko,” sabi pa ng aktres.

“Ang sabi ko sa anak ko, ‘Everytime you get hurt, kapag nasasaktan tayo, wala tayong mahihingahan ng sakit, sama ng loob, kundi sa Panginoon.’

Sabi ko sa kanya, ‘Sige, iiyak mo lang iyan. Ilabas mo lang iyan! And then, talk to God.’

“Dinala ko siya sa altar. ‘Magdasal ka. Iiyak mo lahat sa Kanya. Remember, nu’ng mamatay si mom (Beth Jones) dahil sa COVID pero nabuhay siya uli.

“’Three months si mommy sa ICU. At nabuhay siya. You pray. Na-grant ni Lord yon. So malay mo ngayon, may miracle, ma-grant uli yung wish mo.’ So sabi ko sa anak ko, lahat ng pain na nangyayari sa buhay natin, may purpose si Lord,” pahayag ni Angelica.

Pirma lang ba ang hinahabol nila sa ama ng bata?

“Wala kami hinahabol dahil mula pagbuntis, ako na financially, emotionally, spiritually, ako umako lahat. Ako gumastos. Wala siya binibigay na suporta.

“Ang gusto ng anak ko makilala siya, sabi niya in ‘10 years di ako kinilala ng tatay ko, anak ba talaga ako, totoong anak ng tatay ko? Ang sakit, di ba?” dugtong niya.

Kasunod nito, nabanggit nga niya ang pagsasama ng kaukulang reklamo, “Ngayon po, ang plano ko po is to talk to my lawyer, to file a case against his dad. So tuloy na po ang laban.”

“ So let’s wait and see what happens. Sa korte na lang po kami magkikita,” naiiyak na pahayag ni Angelica.

Sinabi niya kinikilala naman ng ibang miyembro ng pamilya ng ama ng bata ang kanyang anak, tulad ng lola Ema nito.

Ang ama lang nito, na isang konsehal sa Batangas ang nagmamatigas.

“Siguro, naiimpluwensiyahan ng asawa,” sabi ni Angelica. “Simula nang mag-asawa siya, talagang pinanindigan na niya ang hindi pagkilala sa anak niya.”

Samantala, very proud si Angelica sa pelikula nilang “When Magic Hurts” kung saan gaganap siya bilang nanay ng lead actor na si Beaver Magtalas.

Naiyak daw siya habang binabasa ang script ng movie, “Very emotional and nakaka-relate ako. Nu’ng nalaman ko yung role ko, pini-feel ko yung character ko kasi nga may anak din akong lalaki

“Kapag umaarte kami ni Beaver sa mga eksena, dito ko talaga nailabas ang sakit. Yung pain, failure, hurts. So sabi ko perfect timing yung binigay sa aking role dahil marami akong tinatagong mabibigat na nasa loob ko, nailabas ko lahat dito sa movie na ito.

Kasama rin sa cast ng “When Magic Hurts” sina Mutya Orquia, Maxine Trinidad, Claudine Barretto, Dennis Padilla, Soliman Cruz, Archi Adamos, Panteen Palanca, Whitney Tayson, at Julian Roxas sa direksyon ni Gabby Ramos.

AUTHOR PROFILE