Default Thumbnail

Lifeline ng lahat ng ahensiya

December 15, 2023 Allan L. Encarnacion 141 views

Allan EncarnacionSA halos lahat ng departamento, ang Department of Budget and Management (DBM) ang isa sa pinakaimportanteng ahensiya ng pamahalaan na mula’t mula ay low profile lang naman talaga ang pagkilos.

Pero hindi natin ma-dispute ang mababang trust rating ng DBM dahil hindi rin malayo na remnants ito ng galit ng publiko sa mga nabunyag na katiwalain sa pagbili ng mga health protective gears mula a face mask hanggang sa disposable health robes.

Sa parehas na pagtingin, hindi rin naman natin ito puwedeng idagan o isisi kay Sec. Amenah Pangandaman dahil katulad ng Marcos administration, mahigit isang taon pa lang naman sila at hindi ito nangyari sa kanilang administrasyon.

Sa mga hindi nakakaalam, hindi pangkaraniwang kalihim si Sec. Pangandaman, talagang rose from the rank ito na dalubhasa sa pamamahala ng pondo. Malayong-malayo sa kakilala ko na dalubhasa lang sa pagbibilang ng sukli!

Nagtapos si Sec Mina sa FEU ng kanyang economics degree at nag-masteral sa University of the Philippines. Matindi ang training ni Pagdanganan, lalo na’t naging Chief of Staff siya ni yumaong former Senator Ed Angara na isang istrikto at metikulong mambabatas.

Alam ni Pongandaman ang pasikut-sikot ng General Appropriations Act dahil siya ang namamahala sa preparasyon ng national budget bilang DBM assistant secretary noong 2016 hanggang maging undersecretary noong 2018 hanggang 2019. Napunta rin siya sa Bangko Sentral ng Pilipinas bilang technical adviser at kalaunan ay naging managing director ng Office of the Governor at mga Executive Offices nito hanggang maging BSP assistant governor. Tindi, di ba?

Naniniwala tayong hindi naman importanteng maisama o maihanay sa survey ang DBM sa ibang ng ahensiya ng pamahaan subalit kailangan ding malaman ng publiko na ang departamentong ito ang “lifeline” or backbone ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan. Para itong nanay ng mga departamento na siya ang nakakaalam kung ano ang dapat ipamalengke at ano ang mga dapat bigyan ng prayoridad sa paggasta.

Hindi madali ang maging DBM Secretary pero kapag nakikita ko si Sec. Pangadaman na nagsasara ang mata kapag tawang-tawa, iisipin mong minamani-mani lang niya ang departamento.

Ang bottomline lang naman dito, mas panatag tayo ngayon kung saan mapupunta ang mga buwis na binabayaran ng ating mga kababayan dahil nga masinop at metikulosa sa pamamahala ng pondo si Sec. Pangandaman.

Si Sec Pangandaman, mukhang mahirap kupitan! Kidding aside, ito iyong sinasabi natin, mahirap palusutan si BDM Chief tulad ng mga nangyari sa Pharmally issue dahil nga alam niya ang kanyang ginagawa.

[email protected]