Sex

Life is better with friends — Wilbert Mercy Lejarde

June 4, 2022 People's Tonight 245 views

Back na ang face-to-face presscons at press movie screening sa ating showbiz world na tipong ang Vivamax ng Viva Films lang ang may balls na ulitin ang kahapon nu’ng hindi pa umenter sa ’Pinas si Covid-19 and all other kinds of viruses.

I mean, tipong sunud-sunod ang kanilang face- to-face pa-preskon at press screening ng Vivamax films na halos karamihan ay may temang sex na pinalalabas online all over Asia at pati na rin sa some parts of the USA at Europe.

Itong latest na face-to-face presscon ng Vivamax para sa original movie na High (School) On Sex ay tipong behave si ako sa pagtatanong like…, “Do you believe that life is better with friends lalo na during your high school days (with matching kanta pa ng ‘high school life, oh my high school life…” o, eh, di may nagtawanan pati na ang cast ng said film.

Si Wilbert Ross ang unang sumagot na tipong pakanta rin at ginaya ako.

“Ako po I believe that life is better with friends during… high school life and a high school days, oh, kay saya.”

At ang mga co-star niya sa said film like Denise Esteban, Mig Almendras, Angela Morena, Kat Dovey, Rob Guinto at pati na rin si Direk GB Sampedro ay masaya rin sumagot that life is better with friends.

Ang isusunod ko sanang tanong ay ganitey…, “Which do you prefer… life is better with friends or life is better with sex partners?” kaya lang wa na lang, tsuk and more tsuk!

Samantala si Direk GB naman added na before sila nag-start ng shooting ay napag-usapan nila ng Vivamax creative team na gawin na lang subdued title ang High (School) On Sex dahil “ibang panahon na tayo ngayon, eh. So, dapat pinag-uusapan nga natin ’yan para aware ang mga kabataan sa kung ano ang mai-experience nila sa buhay nila. Pero, siyempre, kailangan may iku-consider din tayo sa paggawa ng ganitong series.”

Well, may point siya, in pernes, ha!

O, siya, mga student, lalo na ’yung mga belong sa high school, panoorin n’yo itong High (School) On Sex sa Vivamax starting today, June 5, para may kapulutan kayo ng aral, okidoki?

’Yon lang and I thank you.

AUTHOR PROFILE