Adiong House Assistant Majority Leader Rep. Zia Alonto Adiong Source: Zia Alonto Adiong FB

Lider ng Kamara nagbabala kay ex-Speaker Alvarez

April 16, 2024 People's Tonight 62 views

Sa pahayag na tumiwalag mga sundalo kay PBBM

UPANG maiwasan ang potensyal na kawalan ng katatagan ng gobyerno, nagbabala si House Assistant Majority Leader Rep. Zia Alonto Adiong kay dating Speaker Pantaleon Alvarez kaugnay ng kanyang panawagan sa militar na bawiin ang suporta nito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., isang pahayag na maaari mangahulugan na isang pag-uudyok sa sedisyon.

Isa umanong paraan ng pag-uudyok sa sedisyon, ayon sa Article 42 ng Revised Penal Code ay ang pahayag ng isang indibidwal na naglalayong pag-alsahin ang publiko laban sa otoridad o guluhin ang kapayapaan ng isang komunidad at ang kaligtasan at kaayusan sa gobyerno.

Ipinunto ni Adiong na ang pahayag ng dating Speaker ay mayroong bigat at maaring gamitin ng ilang indibidwal, kasama na ang mga nasa military, upang magsagawa ng destabilisasyon sa gobyerno.

Iginiit ni Adiong ang kahalagahan na manatiling apolitical ang AFP at hindi mamanipula upang pabagsakin ang gobyerno o pahinain ang chain of command, lalo at ang pangulo ang kanilang Commander-in-Chief.

Ipinaalala rin ng mambabatas ang constitutional duty ng AFP na protektahan ang teritoryo at soberanya ng bansa.

“The AFP must always remain apolitical and should not be made pawns to instigate destabilization nor be provoked to undermine the chain of command, the President being their Commander-in-Chief, and in effect infringe their sworn duty under the constitution which is to protect the territorial integrity and the preservation of our country’s sovereignty,” sabi ni Adiong.

Sa isang rally sa Tagum City noong Linggo, nanawagan si Alvarez sa AFP na bawiin ang kanilang suporta kay Pangulong Marcos dahil ang mga polisiya umano nito ay nagpapataas sa tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea.

Tinuligsa ni Adiong si Alvarez dahil sa tinatangka umano nitong impluwensyahan ang AFP na mag-aklas laban sa gobyerno na inihalal ng taumbayan dahil lamang iba ang opinyon nito.

“It is unbecoming of a public official to go to an extent of inducing any government institution from faithfully serving a duly-elected government simply because one holds a different appreciation on foreign policy direction,” sabi ni Adiong.

“Such statement which effectuate potential threats to government stability and may therefore cause social mayhem maybe legally interpreted as bordering to sedition and could be well attract legal repercussions,” babala ng mambabatas.

Napuna rin ni Adiong ang paglakas ng panawagan ng mga pro-China personalities gaya ni Alvarez matapos ang tripartite meeting sa pagitan ng Amerika, Japan, at Pilipinas.

“I was watching their peace rally in Tagum City. Their statements were getting harsh. They’ve become aggressive since the United States, Japan, and the Philippines entered into a tripartite agreement,” sabi ni Adiong.

Nauna ng sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagpupulong ay hindi laban sa China.

AUTHOR PROFILE