Angel

Lara, supportive tita

March 13, 2022 Vinia Vivar 1173 views

Ang sexy movie na X-deal 2 ng Viva Films ang launching movie ng sexy newbie na si Angela Morena, pamangkin ng dating sexy star na si Lara Morena.

Ayon kay Angela, super supportive ang Tita Lara niya sa kanyang showbiz career pati na rin sa kanyang mga kapatid na sina Stephanie at Michaela Raz na pawang nagpapa-sexy din.

Idol daw nilang magkakapatid ang kanilang Tita Lara at ito pa nga ang nag-encourage sa kanila na magpa-sexy.

“Siya talaga ‘yung nag-push sa aming magkakapatid to do sexy roles. Na siya ang nag-encourage sa amin that it’s a good start, it’s a stepping stone for us,” sey ni Angela sa virtual mediacon X-deal 2.

“Talagang nakapa-supportive po ni Tita Lara sa amin. I couldn’t be more grateful,” dagdag pa ni Angela.

Kasama ni Angela sa X-deal 2 ang sexy social media influencer na bumida na rin sa ilang Vivamax Originals na si Rob Guinto.

Mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo, ito ay sequel sa part 1 noong 2011. Sa part 2 ay same director pa rin pero may iba na itong mga bida at istorya.

Ang naging ugnayan ng dalawang pelikula ay ang konsepto nito ng pag-e-eksperimento sa pakikipagpalitan ng karelasyon.

Mapapanood na ang X-deal 2 sa March 25 sa Vivamax. Kasama rin sa pelikula si Josef Elizalde.

AUTHOR PROFILE