Speed

7-storey building, katas ng pagiging tindera — Rhea

March 13, 2022 Ian F. Fariñas 389 views

KATAS ng pagiging tindera” ang pabirong description ni Rhea Anicoche-Tan, president/CEO ng leading beauty/wellness brand na Beautederm, sa ipinatatayo niyang seven-storey building sa Angeles City, Pampanga.

Ang nasabing gusali raw, na humigit-kumulang may lawak na 1,000 square meters, ang magsisilbing Beautederm Corporate Office. Kung matutuloy ang plano, gaganapin ang inauguration nito sa mismong kaarawan ni Miss Rhea sa Nobyembre.

Sa pag-iikot sa Beautederm properties last week kasama ang ilang members at officers ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at publicist na si Chuck Gomez, naikuwento ni Miss Rhea na ang building na ang magiging bagong tahanan ng beauty clinic na BeauteHaus at ang itinuturing na luxury brand mecca of the north na A-List Avenue (tig-dalawang floors ang mga ito).

Meron din itong private chapel at bonggang roof deck na pwedeng pagdausan ng mga private event.

Ang BeauteHaus, magkakaroon ng 20 rooms para sa mga kliyente nila na bet ma-experience ang iba’t ibang services gaya ng facial, RF V-lift treatment, IPL Hair Removal + Whitening treatment, Beautèdrip, IPL Underarm at kung anu-ano pa.

Ang A-List Avenue, siguradong mapupuno ng shopaholics na mahilig sa authentic branded items gaya ng Hermes, Chanel, Christian Dior, Louis Vuitton at reasonable prices.

Balak din ni Miss Rhea na maglagay ng isang coffee shop na tatawagin daw niyang “BeauteBeanery.”

Imposing ang taas at laki ng Beautederm Corporate Office at hindi kataka-taka na makatawag-pansin ito dahil sa high ceiling at glass windows paikot. At dahil pinsan pala ni Miss Rhea ang interior designer ng Clark Marriott Hotel, ito rin ang napipisil niyang gumawa ng interior ng Beautederm Corporate Office na mala-five-star hotel ang ambience.

Hindi rin magiging problema ang parking dahil may sariling basement parking ang building.

Sa ngayon, hindi na mabilang ang branches ng Beautederm sa buong mundo. Pahaba na rin nang pahaba ang listahan ng celebrity endorsers ni Miss Rhea gaya nina Lorna Tolentino, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Andrea Brillantes, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Ruru Madrid and Sylvia Sanchez, among others.

Nang tanungin kung sino pa ang bet niyang makasama sa ever-growing Beautederm family, ani Miss Rhea, type niyang kumuha ng sikat na Korean actor o actress. Hindi pa nga lang niya ma-pinpoint kung sino dahil hirap siyang i-pronounce ang kanilang mga pangalan.

World-class na nga ang laban ng Beautederm sa ika-12th year nito sa tulong ng reliable and efficient “angels” ni Miss Rhea na sina Mylene Timbol, Marianne de Guzman at Chonna Pring.

AUTHOR PROFILE