Lalaki PINATAY O NAGPAKAMATAY–Ang nakahandusay na biktima matapos umanong tumalon mula sa gusali ng isang unibersidad sa C.M Recto Avenue, Sampaloc, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lalaki tumalon o itinulak sa building sa CM Recto?

September 22, 2023 Jonjon Reyes 571 views

BuildingPALAISIPAN sa mga awtoridad kung hinulog o nagpakamatay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraang matagpuang patay sa canopy ng isang unibersidad sa CM Recto Avenue sa Barangay 404, Sampaloc, Maynila Biyernes ng hapon.

Tinatayang nasa edad 35 hanggang 40 anyos ang biktima, mga 5’5 ang taas, naka puti na may itim na t-shirt at itim na long pants

Batay sa ulat ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, bandang 2:05 ng hapon nang makatanggap sila ng report hinggil sa insidente.

Dahil dito, agad na rumesponde si Police Corporal Joseph Ferrer at agad na kinordon ang lugar saka ipinagbigay alam sa tanggapan ni Police Capt. Dennis Turla ng MPD-Homicide Section

Isang estudyanteng babae ang nakapanayam ng pulisya na di-umano’y habang naglalakad siya sa campus sa 2nd floor nang makarinig ito ng malakas na kalabog.

At ng kanyang tingnan, isang lalaki ang nakahandusay sa canopy.

Dahil dito, agad niya itong ipinagbigay alam sa head security ng eskuwelahan na siyang nag report sa pulisya.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya kung may foul play sa pagkakahulog ng biktima.

AUTHOR PROFILE