Default Thumbnail

Lalaki di pinautang rumesbak ng saksak

April 24, 2021 Edd Reyes 295 views

SINAKSAK ng isang 47-anyos na lalaki ang live-in partner ng babaing tumangging magpautang matapos silang magkita sa isang inuman Biyernes ng gabi sa Malabon City.

Kay Epifanio Abrea, 54, karpintero at residente ng Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon ibinaling ni Randy Vacunawa, naninirahan din sa naturang lugar, ang kanyang sama ng loob na live-in partner ng ginang na tumangging magpautang ng salapi sa suspek.

Sa ulat na tinanggap ni P/Col. Joel Villanueva, hepe ng Malabon police, kinumbida ng kasamahan sa bahay ni Vacunawa na nakilala lamang sa alyas George ang biktima para sa isang inuman Biyernes ng gabi.

Nang dumating sa naturang bahay si Vacunawa dakong alas-11 ng gabi, lumahok siya sa iinuman subalit nang makaubos ng ilang bote ng alak, sinita at ipinahiya niya ang biktima sa pagsasabing bakit pa siya pumunta para uminom sa kanilang tirahan.

Aalis na sana sa sobrang kahihiyang inabot si Abrea subalit naunang tumayo ang suspek at kumuha ng patalim na itinarak kaagad sa biktima na tumama sa kanang bahagi ng balikat. Kaagad namang namagitan ang kanilang kainuman at mabilis na isinugod sa Tondo Medical Center si Abrea.

Sinabi nina P/SSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy, may hawak ng kaso, na nadakip naman kaagad ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 4 na nagresponde sa lugar, kasama ang mga barangay tanod.

AUTHOR PROFILE