Default Thumbnail

Laborer tinarakan sa dibdib sa Baseco

January 10, 2023 Jonjon Reyes 208 views

HINDI na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang isang 29-anyos na construction worker, makaraang undayan ng isang saksak sa dibdib ng hindi pa nakikilalang salarin sa labas ng Yellow Bar malapit sa seawall ng Baseco Compound, Port Area, Maynila, Lunes ng gabi.

Ang biktimang ay binate, ng Gawad Kalinga, Baseco Compound.

Samantala, may posibilidad na kilala ng biktima at ng nobya nito ang pagkakakilalan sa tumakas na suspek na payat ang pangangatawan.

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 11:45 ng gabi, nang maganap ang krimen sa nasabing lugar.

Bago naganap ang insidente, nakipag-inuman ang biktima, kasama ang kanyang walong kasamahan sa construction.

Mahaba-habang oras na inuman bago nagkayayaan na ang grupo at nagpaiwan ang biktima upang magkasarilinan umano sila ng kanyang nobya at makapag-usap.

Ilang saglit pa lamang habang nasa tabi sila ng dagat, nang sumulpot ang suspek saka ito tinarakan sa dibdib, saka mabilis na tumakas sa pinangyarihang lugar.

Dito na humingi ng tulong ang nobya ng biktima sa ilang tambay sa lugar at mabilis itong isinugod sa nasabing ospital subalit dakong 12:45 ng madaling araw, nang ideklarang patay ang biktima ni Dr. Arvin Cabrillo, attending physician.

Patuloy pa rin tinitingnan ng mga imbestigador ang anggulo sa pagpaslang habang ang labi ng biktima ay pansamantalang inilagak sa pinagdalhang morgue para sa kaukulang awtopsiya.

Ayon kay Det. Irene Jay Manalii, may hawak ng kaso, patuloy ang imbestigasyon habang naghahanap pa ng testigo sa ikalulutas ng kaso.

AUTHOR PROFILE