Shabu PROMISE–Sisikapin ni Police Lt.Col. Rodel Borbe, hepe ng MPD Baseco PS 13, na maging drug-free ang Baseco hanggang siya ang namumuno roon. Kuha ni Jon Jon Reyes

Laborer tiklo sa bato

August 15, 2023 Jonjon Reyes 205 views

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District sa Baseco Police Station 13 ang isang 26-anyos na laborer dahil sa pag-iingat ng ilegal na droga sa Blk.15 A. Barangay 649, Baseco Compound Port Area,Manila, Lunes ng gabi.

Nakilala ang suspek na si alyas ‘Ramjay,’ ng Blk,15-A Brgy. 649, Baseco.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, Station Commander, bandang 7:00 ng gabi nang magsagawa ng oplan galugad kaugnay sa mga kriminal na wanted sa batas na naging daan sa pagka aresto sa suspek.

Natunton ang suspek sa pangunguna ni Police Captain Mel Soniega, hepe ng Station Warrant and Intelligence Section, at Patrolman Johnray Torres.

Ayon kay Borbe, sisikapin nilang maging drug-free ang Baseco hanga’t siya ang namumuno sa naturang lugar.

AUTHOR PROFILE