Default Thumbnail

Kurikulum na nagbibigay ng kritikal na pag-iisip

July 15, 2023 Magi Gunigundo 281 views

Magi GunigundoANG kurikulum ay “palaging bahagi ng isangpiling tradisyon at pananaw ng ilang tao sakaalaman na kailangang ituro sa lahat,” sabi niProf. Michael Apple ng Unibersidad ng Wisconsin-Madison.

Dapat maunawaan ng Dep Ed na ang ginagawa nilang pagbabago ng kurikulum ay hindiordinaryong pagpapalit lamang ng slogan o logosapagkat napakalawak at napakalalim ang epektong kurikulum sa mentalidad na umiiral sa lipunanat ekonomiya ng bansa.

Kaakibat ng pagtuturo gamit ang unang wikang bata at kalidad ng pagtuturo ng titser, mahalaga rin ang pagbabalangkas ng kurikulum sapagkat ang laman nito ang ituturo ng guro samga bata upang lumaki silang makabayan, ginagamit ang isip sa pagpili ng ibinoboto, panghabang buhay ang kasabikan na mag-aral, may malasakit sa kalikasan, at may kasanayanna tumutugma sa hinihingi ng mundo ng trabahosa ika-21 siglo. Hindi dapat limitahan ang ituturosa kung ano lang ang alam natin ngayon sapagkatmarami pang teknolohiya ang paparating namagbabago ng takbo ng sankatauhan na hindi pa natutuklasan. Samakatuwid, dapat may espasyoang kurikulum sa pagsasanay sa mga bata sakritikal at malikhain na pag-iisip upang makayanilang lumisa at maging mapanuri sapagsalubong sa bagong impormasyon na hatid ng teknolohiya.

Ang kurikulum ay kasangkapan upangmakamit ang Sustainable Development Goal 4: inklusibo at pantay-pantay na edukasyon na magbabawas ng kahirapan, napapanatiling pag-unlad at paglago ng ekonomiya(Marope,Amadio, Opertti, Ji,Brylinski,What makes a quality curriculum? March, 2016, No.2 IBE/2016/WP/CD/02).

Tinukoy ni Leslie Kaplan at William Owings ang kurikulum bilang mga bagay na itinuturo natin samga estudyante sa mga paaralan(American Education ,Building a common foundation, p. 408©2011), at ang pagpili ng mga ituturo ay lubhang mahalaga dahil nakasalalay sa mganatutuhan ng mga bata ang pananatili ng atinglipunan. Ang mga aralin ay dapat na nakakapukawng interes ng bata at malinaw sa kanya ang halagaat silbi nito sa kanyang buhay ngayon at sahinaharap sapagkat bahagi ito ng nagdaangpanahon.

Bantog na mga nagdisenyo ng kurikulum sina Ralph Tyler, Hilda Taba( “concept driven spiral curriculum” na nagpalawak ng basic model niTyler), Benjamin Bloom(orihinal na bersyon ng taxonomy (circa 1956) at ang binagong modelo(2001) para sa higher order thinking), at Grant Wiggins at Jay McTighe (paatras na proseso ng disenyo).

Dahil mayroon lamang 203 araw ng pasukansa isang taon pangpaaralan (RA 11480), dapatbang MALAWAK ngunit mababaw o MAKITID ngunitmalalim ang kurikulum? Dapat bang tumuon ang talakayan sa mga karanasan DITO o DOON?

Ang pabor sa MALAWAK na kurikulum ay naniniwala sa kasabihan, “kapag nagpukol nglabis-labis na putik sa dingding, tiyak na may putikna didikit dito.” Dahil hindi lahat ng itinuturo ay natutunan, walang masama na bombahin ng impormasyon ang bata sapagkat mayroon pa rinsiyang maaalala kahit ilan lang ito.

Ang pabor sa MAKITID na kurikulum ay sumusunod sa kasabihan, “ang kaunti ay mas higitpa.” Iginiit ni Alfred North Whitehead na ang pagtuturo ng napakaraming aralin sa mga mag-aaral ay kontraproduktibo dahil ang utak ng tao ay hindi nakadisenyo upang paglulanan ng napakaraming “inert knowledge.” Ang mgakabataan, payo niya, ay kailangang mag-aral ngpinili na makapangyarihang ideya sa malalim naparaan.

Para sa mga naniniwala sa Dito, ang bata ay natututo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng bagong impormasyon sa mga personal namakabuluhang karanasan dito sa kanyang paligid. Halimbawa, ang mag-aaral sa Baitang 2 na nag-aaral ng “lipunan at pamilya” ay higit na matututosa pamamagitan ng pagsisimula sa tahanan, pagtingin sa mga gawi ng kanilang sarilingpamilya.

Sa kabilang banda, ang mga naniniwala saDoon ay nagtuturo ng parehong paksa tampok ang karanasan at tagpo doon sa US, Israel at sinaunang Greece – mga lugar na malayo sasariling karanasan o kasalukuyang kaalaman ng mga bata. Binibigyang-diin ang paksa at bahalaang bata kung paano niya ito ihahambing o di kaya ay iuugnay sa kanyang karanasan.

Ang tunay na isyu ay paano kakatamin, aayusin, at ilalagay ang mga aralin na pinili upangito ay magkaroon ng pinakamaraming kahuluganat pakinabang para sa mga mag-aaral sa kanilangbuhay sa labas ng paaralan at sa kanilangpagtanda. Ang isang “matatag” na kurikulum ay nagbibigay ng kritikal na pag-iisip sa mga batapara hindi sila mabiktima ng budol at mabura ang “smart shaming” at “anti-intellectualism.”

AUTHOR PROFILE