Kris

Kris, itutuloy ang treatment abroad

March 2, 2022 Ian F. Fariñas 339 views

Successful ang first dose ng bagong treatment na isinagawa kay Kris Aquino. Ito ang ibinalita ng Queen of All Media sa kanyang bagong update sa Instagram.

Ang nasabing treatment ay tinatawag na Xolair injection at first dose pa lang ang itinurok sa kanya.

“1st Xolair injection was a success, meaning kinaya ko the full dose,” ani Kris.

Ibinahagi rin ni Kris ang video habang tinuturukan siya at makikita sa facial expression niya na nasasaktan siya pero kinakaya niya talaga.

Sa kanyang post ay nagpasalamat si Kris sa kanyang mga doktor at sa kanyang two closest friends who were also present, ang kanyang team at siyempre ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby.

Sa March 13 daw ulit ang next injection niya at kung hindi magkakaroon ng aberya ay pupunta na siya sa abroad para ipagpatuloy ang treatment.

“Thank you for your prayers — supposed to rest this week, then March 13 ang next shot — then after 5 days, praying nothing goes wrong, we finally go abroad & i continue my next doses of Xolair and finally tackle my autoimmune and other important health problems,” pahayag ni Kris.

Ibinahagi rin niya ang kanyang weight ngayon dahil kapansin-pansin talaga ang malaki niyang ipinayat.

“In case magtatanong kayo, still just 85 pounds (38.5 kg),” sey ni Kris.

HULING-HULI SA AKTO

Huling-huli sa akto si David (Zanjoe Marudo).

Nakita mismo ni Jill (Jodi Sta. Maria) ang paghahalikan ng asawa niyang si David at ang kabit nitong si Lexy (Sue Ramirez) sa The Broken Marriage Vow, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Nakumpirma na ni Jill na nagkabalikan sina David at Lexy matapos niyang sumugod sa opisina ni David.

Bago nito, muling nalamon si Jill ng kapraningan dahil natuklasan niya mula kay Nathalia (Rachel Alejandro), ang ina ni Lexy, na madalas magkita sina David at Lexy para sa isang proyekto ng kanilang mga kumpanya.

Habang dismayado si Jill sa mga pangyayari, magdedesisyon siyang bisitahin ang mentor niyang si Doc Jose (Ronnie Lazaro) at iwanan muna ang kanyang pamilya upang makapag-isip.

Naguguluhan pa si Jill kung tuluyan na ba niyang hihiwalayan si David dahil nag-aalala siya kay Gio (Zaijian Jaranilla), ang nag-iisa nilang anak, kapag nalaman nito ang pambababae ng kanyang ama.

Samantala, wala pa ring kamalay-malay si David na alam na ni Jill ang relasyon niya kay Lexy.

Nagkasundo sina David at Lexy na itatago pa rin nila ang kanilang relasyon at nangako naman si David na makikipaghiwalay din siya kay Jill sa tamang panahon.

Tinutukan at pinanggigilan ng mga manonood ang episode nitong Martes (Marso 1) pagkatapos mag-trending sa Twitter Philippines ang hashtag na #TBMVFooled at “no fooling jill.”

Inilabas na rin ng The Broken Marriage Vow ang mid-season trailer ng serye, kung saan ipinasilip ang paghihiganti ni Jill pagkatapos niyang malaman na niloloko ulit siya ni David.

AUTHOR PROFILE