Ruru

Bianca at Ruru, lantaran na ang romansa

March 2, 2022 Ian F. Fariñas 441 views

LANTARAN nang talaga ang pakikipagrelasyon ni Ruru Madrid kay Bianca Umali. Sampol ang post ni Ruru sa kanyang Instagram sa pagbati kay Bianca sa kaarawan nito kahapon.

Inilantad ng Kapuso actor ang dalawang pictures na magkasama sila ni Bianca – isang nakaangkla si Bianca sa balikat ni Ruru at ‘yung isa, eh, kapwa sila nasa compartment ng sasakyan.

“To my (sun/moon emoji), here’s wishing you the sweetest of birthday! Love, (sun emoji),” caption ni Ruru.

“Hi (heart emoji)!” tugon naman ni Bianca.

Isa sa wishes ng followers ng dalawa, eh, magkaroon sila ng project na magkasama. Pero may isang netizen ang nagsabing hindi sila bagay.

Wala na rin kasing ka-loveteam si Bianca na dapat protektahan ang loveteam nila. Eh, sa bagong installment ng Mano Po Legacy: Her Big Boss, bidang-bida si Bianca dahil ilan sa lalaking kapareha niya ay sina Ken Chan, Teejay Marquez at Kelvin Miranda.

KRIS, BINAGO ANG HITSURA

BINAGO talaga ang hitsura ni Kris Bernal sa coming afternoon drama na Artikulo 247.

Legal crime drama ang putaheng pagsasabungan nila ni Rhian Ramos, huh!

Sa totoo lang, kahit hindi na exclusive contract star ng GMA si Kris, nabibiyayaan pa rin siya ng lead projects ng network.

This time, ang bakbakan nila ni Rhian ang kaabang-abang sa Artikulo 247 kasama sina Mark Herras, Benjamin Alves at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE