Kris

Kris, gulat na baby girl ang ipinagbubuntis

April 17, 2023 Vinia Vivar 341 views

BernalCongratulations sa mag-asawang Kris Bernal and Perry Choi sa kanilang first baby girl.

Nagkaroon ng gender-reveal party ang mag-asawa last April 16 kung saan ay sabay-sabay nilang nalaman ang kasarian ng kanilang unang anak.

Mapapanood sa YouTube ang live video ni Kris habang ginaganap ang party na isinagawa sa isang resort sa Pasay City at dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at pamilya.

Makikitang nag-wrestling muna ang dalawang dinosaur mascots na ang isa ay kulay pink at ang isa ay blue. Nanalo ang kulay pink na dinosaur na ang ibig sabihin ay girl ang gender ng first baby ng mag-asawa.

Gulat na gulat si Kris dahil ang buong akala niya ay lalaki ang magiging first baby niya dahil sa mga senyales.

“Akala ko talaga boy kasi lahat ng symptoms ko pang-boy. Tapos ‘yung tiyan ko patusok, akala ko boy,” sey ni Kris.

“Hindi ko talaga in-expect kasi ang alam ko boy. Kasi talagang fixed na ang utak ko. Tapos sabi ko, feel ko boy talaga,” aniya pa.

Pero siyempre ay excited na siya na ipinanganak ang kanyang “mini me” dahil gusto na niya itong bihisan at ayusan.

“Wooh! May babae na rin sa family! Matutupad na ang pangarap kong ayusan, bihisan, artehan,” masayang wika ni Kris.

Sa ngayon ay nasa halfway na siya ng kanyang pagbubuntis at dasal niya na maging safe ang kanyang delivery at mas tumatag ang samahan nilang mag-asawa.

AUTHOR PROFILE