Nadine

Nadine, bet mag-ampon

April 17, 2023 Vinia Vivar 314 views

Hanggang ngayon ay hindi pa rin bet ni Nadine Lustre ang magkaroon ng anak.

Matatandaang last year ay sinabi na ito ng aktres sa isang interview at hindi pa rin pala nagbabago ang mindset niyang ito.

Sa latest episode ng vlog ni Bea Alonzo ay sumabak sa lie detector test si Nadine at isa sa mga tanong sa kanya ay kung ayaw pa rin niyang magkaroon ng sariling anak.

Ayon sa aktres, hanggang ngayon ay ganito pa rin ang kanyang desisyon.

“First of all, takot akong manganak. ‘Yun talaga ‘yung pinaka-reason kung bakit ayaw kong magkaroon ng kids nang sarili. Takot akong mabuntis, takot akong manganak,” sey ni Nadine.

Pero pwede rin naman daw siyang maging magulang kahit hindi nabubuntis.

“Ang dami kasing kids na walang parents, so…,” aniya.

Tinanong siya ni Bea kung gusto ba niyang mag-adopt na lang ng baby in the near future.

Sagot ni Nadine, “Right now, parang my mind is set on adopting.”

Natanong din ang aktres tungkol sa relasyon nila ng half-French, half-Filipino businessman na si Christopher Bariou at ayon kay Nadine, para sa kanya ay mas okay na non-showbiz ang boyfriend.

“Kasi, walang influence ng ibang tao. Si Chris kasi, parang siya ‘yung anchor ko sa labas ng show business which is something that I need.

‘Pag nasa showbiz industy ka kasi, sometimes it gets too loud, it gets too noisy.

“Parang siya ‘yung hahatak sa akin outside of it when it gets too crazy,” she said.

AUTHOR PROFILE