LOL

BILLY, EMOSYONAL SA PAGKASIBAK SA ‘LOL’

April 17, 2023 Jun Nardo 226 views

BABU nang talaga sa ere ang noontime show na Lunch Out Loud (LOL).

Emosyonal ang pagbabalita ng isa sa hosts na si Billy Crawford sa pagkawala ng show na inihayag niya sa kanyang Instagram account.

Sa post ni Billy, dalawa’t kalahating taon tumagal ang LOL at maraming napasaya at nabigyan ng trabaho noong panahon ng pandemic.

Pinasalamatan ni Billy ang producer ng show na si Albee Benitez.

Bahagi ng maramdaming pahayag ni Billy sa kanyang caption ay, “Thank you to everyone who watched and supported us since the beginning. To all my co-workers, it’s not goodbye, it’s see you soon. Love you all, Tropang Lol!”

AUTHOR PROFILE