Kris

Kris at Bambbi, nag-reunion sa US

May 17, 2023 Ian F. Fariñas 257 views

Nag-post sa socmed ang celebrity hairdresser na si Bambbi Fuentes ng reunion pictures nila ng matalik na kaibigang si Kris Aquino habang nasa Amerika.

Si Kris ang nag-sponsor ng business class ticket ni Bambbi pa-US para um-attend sa wake ng ina nito na yumao kamakailan lamang.

Malapit sa isa’t isa sina Kris at Bambbi dahil matagal ding inayusan ng huli ang una noong aktibo pa ito sa showbiz.

Kasama nila sa mga litrato ang bunso ni Kris na si Bimby at kaibigang si Angel Bonilla at kita roon na maayos na at maaliwalas ang lagay ng aktres.

Sa caption sinabi ni Bambbi na, “Finally reunited with beautiful inside and out @krisaquino and handsome Bim. Thank you for the love,” sabay lagay ng tatlong heart emojis.

AUTHOR PROFILE