WHAT'S NEW

SEE ALL
Slater

Slater, nag-iingay para makabalik-showbiz

May 17, 2023 Jun Nardo 217 views

GUSTO bang mag-comeback nitong Pinoy Big Brother winner na si Slater Young dahil wala na siya sa kamalayan ng publiko?

Hay, nagpapa-kontrobersiyal itong PBB winner na si Slater, tapos, hihingi rin pala ng apologyย  sa mga bumatikos at hindi sumang-ayon sa pahayag niya.

Sa unang pahayag ni Slater, normal lang daw sa mga lalaki na pagpantasyahan ang mga babae kahit na may karelasyon.

โ€œCheatingโ€ ang tawag doon, ayon sa ilang pumalag, lalo na sa gaya niyang may asawa na.

Para kay Slater, normal lang daw โ€˜yon.

Kalaunan, humingi rin ng public apology si Young sa naging pahayag niya.

Bahagi ng post niya sa kanyang podcast, โ€œMali pala talaga ako.โ€

Nagising si Slater matapos mabasa ang mga comment sa pahayag niya. Aniya pa, โ€œThe last things in my mind and my heart would be to objectify women.โ€

Nahiya raw si Slater sa lahat ng sanabi niya.

โ€œI should have set a better example.โ€

Eye-opener din para sa kanya ang nangyari, huh!

Naku, nasa huli talaga ang pagsisisi, Slater!

MALALIM UMARTE

UMANI ng papuri ang Sparkle artist na si Kokoy de Santos sa last performance niya sa The Write One series ng Kapuso Network.

Pasabog pala ang role niya kahit hindi siya ang lead sa series, huh!

Kay Kokoy pala nagmula ang mga pangyayari sa buhay ng bidang si Ruru Madrid dahil sa kasalanan ni Kokoy as Intoy na isang Makapili noong panahon ng Hapon.

โ€œAng husay mo @kkydsants! Ang lakas nyo, Kolokoys!โ€ saad sa Twitter ng isang netizen.

Makulit mang tingnan si Kokoy lalo naโ€™t kabilang sa Bubble Gang cast, may lalim ang kanyang pag-arte kaya naman hindi na siya pinakawalan pa ng Sparkle, huh!

Congratulations, Kokoy!

AUTHOR PROFILE