Klea

Klea inilantad na rin pati karelasyon

March 22, 2023 Aster Amoyo 421 views

Klea1MATAPOS aminin ng Kapuso Starstruck alumna-turned actress na si Klea Pineda ang kanyang sexual preference na kanyang itinaon sa kanyang 24th birthday last March 19, kinabukasan, Lunes, March 20 ay personal naman niyang ipinakilala on national television sa pamamagitan ng “Fast Talk with Boy Abunda” ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Katrice Kierulf na kasama niya sa loob ng studio.

Tinawag ni Boy si Katrice to join him and Klea sa harap ng kamera and she gamely obliged sa request ng King of Talk.

During the interview with Boy, inamin ng actress that she tried dating men, mga Kapuso actors tulad nina Jak Roberto, Jeric Gonzales at Andre Paras. While she enjoyed their company, inamin ng Kapuso actress na may kulang umano at hindi rin umabot sa relasyon ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga ito dahil kapwa babae pala ang kanyang hinahanap.

Ngayong nailabas at nailantad na ng Kapuso actress ang kanyang kasarian at naipakilala na rin niya sa publiko ang tunay na nagpapatibok ng kanyang puso, mas masaya at mas malaya na umano ang kanyang pakiramdam at wala na umano siyang dapat pangilagan at katakutan.

Si Klea ay produkto ng talent reality show, ang Starstruck: Season 6 kung saan siya ang tinanghal na Ultimate Female Survivor at naging daan ng kanyang pangarap na maging isang ganap na aktres. Siya’y kabilang ngayon sa pamamahala ng Sparkle GMA Artist Center.

Kasalukuyan siyang napapanood sa afternoon TV drama series na “AraBella” na tinatampukan nina Shayne Sava, Althea Ablan at Camille Prats mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Dalawang beauty bibida sa bagong series ni Dingdong

DingdongPicPic1SA kauna-unahang pagkakataon ay magsasama ang dalawang former beauty queens-turned actresses na sina 2013 Miss World Meagan Young at 2020 Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo sa isang suspense drama series, ang “Royal Blood” na pagbibidahan ng Kapuso Primetime King, ang actor at host na si Dingdong Dantes na pamamahalaan ni Dominic Zapata.

Bukod kina Meagan, Rabiya at Dingdong, magsisislbi rin itong reunion project sa mag-asawang Meagan at actor na si Mikael Daez gayundin sa magpinsang Dingdong at Arthur Solinap. Makakasama rin sa nasabing serye sina Tirso Cruz III, Rhian Ramos, Dion Ignacio, Benjie Paras at Lianne Valentin.

Ang nasabing cast ng “Royal Blood” ay nagkaroon ng story conference last Monday, March 20. Excited ang lahat dahil kakaiba ang nasabing serye sa mga seryeng nagawa na nila in the past.

Bukod sa bagong serye na sisimulan ni Dingdong, siya rin ang tumatayong host ng Philippine edition ng “Family Feud” ng GMA.

R’Bonney darating sa Pilipinas

BonneyBonney1Bonney2NAKATAKDANG dumating sa Pilipinas sa May 2023 ang reigning Miss Universe, ang Filipino-American na si R’Bonney Gabriel bilang special guest sa gaganaping 2023 Miss Universe Philippines (4th edition) on May 13, 2023 at the SM Mall of Asia Arena in Pasay City.

Ang current Miss Universe Philippines, ang Filipino-Italian na si Silvia Celeste Cortesi will relinquish her crown to her successor na siyang kakatawan sa Pilipinas sa 2023 Miss Universe pageant na nakatakdang ganapin sa El Salvador sometime in December this year.

Excited si R’Bonney sa kanyang muling pagbabalik ng Pilipinas kung saan ipinanganak at lumaki ang kanyang Filipino father na si Remigio Bonzon `R Bon’ Gabriel na nag-asawa ng isang American na si Dana Walker at sa Pilipinas sila ikinasal.

Ang pangalang R’Bonney ay hango sa palayaw ng kanyang amang si R’ Bon for Remigio Bonzon. She’s the youngest and only daughter of her parents at meron siyang tatlong elder brothers.

Her father was only 25 nang ito’y mag-migrate sa Amerika. Ito’y nagtapos ng degree in Psychology sa University of Houston. Her mother is from Beaumont, Texas.

Si R’Bonney ay nagtapos ng Fashion Design sa University of Texas.

Medyo late bloomer na si R’Bonney sa pagsali sa beauty pageantry. It was only in 2020 ang sumali siya sa Miss Kemah USA where she was among the 5 finalists. Sumali rin siya sa Miss Texas USA in 2021 where she placed 1st runner-up. Nung 2022, she joined Miss USA representing Texas at siya ang nanalo ng korona to represent in the 2022 Miss Universe.

Siya ang kauna-unahang Fil-Am na na naging Miss Universe representing USA at hindi niya ikinakaila na malaking bahagi umano ang Filipino community not only in the US kundi sa iba’t ibang bansa including the Philippines sa kanyang tagumpay.

Ang kanyang pagbisita sa Pilipinas sa darating na Mayo ay first time na gagawin ni R’Bonney bilang Miss Universe but back then, she would come to Manila for a vacation.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE