Angelica

Kim, tinawag na ‘malala’ ang anak ni Angelica

October 7, 2022 Vinia Vivar 275 views

Masayang-masaya si Kim Chiu para sa best friend na si Angelica Panganiban na isa na ngang ganap na ina ngayon sa first baby nila ni Gregg Homan.

Sa kanyang Instagram Story ay nagbigay-pugay si Kim sa bagong panganak na kaibigan at sinabing ngayon lang siya naging ganito kasaya for Angelica.

Pinasalamatan din niya si Gregg na siyempre ay siyang dahilan kung bakit ganito kasaya ang kanyang BFF.

“So happy to see this beautiful glowing mommsy! Yes double ‘m’ dahil isa na shang ganap na ina! Love you moms! Never been this happy for you! Ang cute ni baby bean!!!! Ang lala!! Thanks @gregg_homan mabuhay ka!” Kim wrote.

Isa sa mga ninang ng baby nina Angelica and Gregg si Kim, gayundin ang isa pa nilang kagrupo sa AngBeki na si Bela Padilla.

Still on Angelica, enjoy na enjoy ang aktres sa pagiging first-time mom base na rin sa kanyang mga post.

Sa latest IG Story nga niya ay makikitang masaya niyang karga ang kanyang baby.

“Shift na ni mommy,” aniya. “Malumanay naman kaming mag-ina kapag ‘di kami nagkakasakitan sa padede. We miss you daddy @gregg_homan.”

Sa isang larawan naman ay makikitang natutulog si Gregg katabi ang kanilang baby. Nagsasalitan nga sila sa pag-aalaga sa bata.

“Sabi naman ni @gregg_homan na-miss niya rin ako today. So okay lang talaga ako,” ang caption ni Angelica.

AUTHOR PROFILE