Ellen

FB ni Ellen, muntik ma-hack

October 7, 2022 Vinia Vivar 265 views

Muntik na rin palang ma-hack ang Facebook account ni Ellen Adarna. Mabuti na lang at nag-notify sa kanya ang nasabing social networking site na may nagtatangkang mag-log-in sa account niya at pinapalitan ang kanyang password.

Sa kanyang Instagram Story ay ipinost niya ang mensaheng natanggap niya mula sa Facebook.

“Hi Maria Elena, you can enter this code to log into Facebook. If you weren’t trying to log in, please let us know,” ang nakasaad sa mensahe.

Kaagad naman itong sinagot ni Ellen kaya nasolusyunan agad.

“Dear Hacker. Don’t even bother. Nice try tho,” ang mensahe ni Ellen sa kanyang hacker.

Ang verified account ni Ellen sa FB ay kasalukuyang may 3.1 million followers at tulad sa kanyang Instagram account ay active na active rin siya rito.

AUTHOR PROFILE