Andrea

Andrea, ’di bet makatrabaho si Ricci

October 7, 2022 Vinia Vivar 243 views

Understanding boyfriend naman pala si Ricci Rivero dahil payag siyang makatrabaho ulit ni Andrea Brillantes ang ex-BF nitong si Seth Fedelin.

Sa latest vlog ni Andrea ay kasama niya ang boyfriend at sinagot nila ang mga tanong ng netizens tungkol sa kanilang relasyon.

Isa nga sa mga tanong ay kung okay lang kay Ricci na makatrabaho ni Andrea si Seth.

“Actually, sa akin, okay lang kasi part naman ‘yun ng work, ‘di ba? And nasa kanya naman ‘yun,” he said.

Dagdag pa niya, “Siya talaga ‘yung magiging affected du’n, hindi ako. Pero kapag okay sa kanya ‘yung trabaho, magagawa niya nang maayos ang trabaho. Pero if hindi niya feel gawin ‘yung work, nasa sa kanya po ‘yun. Sa akin, work is work.”

Natanong din kung paano ba nagsimula ang lahat sa kanila ni Ricci at kwento ni Andrea, una silang nagkita sa isang bar sa BGC.

That time, tumakas lang siya sa nanay niya na first time raw niyang ginawa. Niyaya lang daw siya ng friends niya at pumayag siya dahil heartbroken siya.

Hindi raw niya alam na nandu’n si Ricci.

Pero inamin din niya sa nanay niya agad at humingi siya ng sorry sa kanyang ginawa.

Anyway, nakita nga niya si Ricci roon at ang unang impresyon niya sa basketbolista ay mayabang, suplado at akala mo’y kung sino.

Sa tanong kung sino ang gumawa ng first move, ayon kay Ricci, si Andrea, dahil after ng first meeting nila, nag-follow at nag-message sa kanya ang aktres.

Paliwanag naman ni Andrea, bago sila nagkita ay nag-message sa kanya si Ricci sa private account niya pero hindi siya nag-reply.

“Dati, pina-follow namin ang isa’t isa pero nag-unfollow din kami sa isa’t isa,” kwento pa ni Andrea.

Katwiran ng aktres, nakikita niya kasi si Ricci sa mga IG Story ng friends niya at natuwa siya nang mag-post ito about astrology dahil same raw sila ng interest.

Naikwento rin niya ang tungkol sa post ng isang netizen na naka-bikini si Ricci. That time, bago pa lang ang relasyon nila.

“Edited talaga siya, guys. Alam n’yo kung totoo ‘yun, sinapak ko na siya,” paglilinaw ni Andrea.

Sa tanong kung gusto ba nilang magkatrabaho sa isang drama, ayon kay Ricci, okay lang naman basta swak sa schedule niya.

For Andrea, it’s a “no” na magkasama sila sa work ni Ricci.

“Alam mo ‘yun, baka maiba ‘yung relationship namin kasi magiging parang loveteam kami. Natutuwa rin kasi ako na mayroon kaming sariling gusto, magkaiba ‘yung gusto namin, may sarili kaming mundo. Pero kung maganda talaga, siyempre, gusto ko ring gawin,” saad ni Andrea.

AUTHOR PROFILE