Crime

‘KILLER’ AMBULANSIYA

July 23, 2023 Zaida I. Delos Reyes 481 views

PATAY ang mag-asawa habang sugatan ang anak at apo ng mga ito matapos na banggain ng ambulansiya ang kanilang motorsiklo nitong Sabado ng umaga sa San Andres,Quezon

Nakilala ang mga nasawi na sina Felix Duaso, 49, at asawang si Thelma,49, habang isinugod sa pagamutan ang mga nasugatanang anak nilang si Ferdie,18 at apo na si Mark James, 6.

Ang mga biktima ay mga residente ng Barangay Ilaya, Poblacion, San Andres.

Batay sa ulat ng Philippine National Pollice, ang mga biktima ay lulan ng kanilang motorsiklo nang bigla na lamamg silang salpukin ng ambulansya na minamaneho ni Ricardo Lihay Lihay, 43.

Ayon sa ulat, patungo ang ambulansya sa Barangay hall upang ipa-vilcanize ang kanilang gulong nang maganap ang insidente.

Dahil sa lakas ng impact ng banggaan, dead on the spot ang mag-asawa habang naisugod pa ang dalawa sa Quezon Medical Center sa Lucena City, Quezon.

Inaresto ang driver at sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to double homicide at multiple physical injuroes at damage to property.