Default Thumbnail

Kelot tumatawid natumbok, tigok

April 7, 2024 Jojo C. Magsombol 83 views

DEDO ang isang lalakI matapos mabundol ng motorsiklo habang tumatawid sa Brgy. Pulong Balibaguhan, Mabini, Batangas noong Sabado.

Alas-2:40 ng hapon, ayon sa Mabini police, ng matanggap nila ang balita tungkol sa pagkakabundol kay Romeo Sernal Genon, 54, ng motorsiklo ni alyas Darwin, 45.

Base sa imbestigasyon, bandang ala-1:50 ng hapon ng masalpok ang biktima ng motor.

Dinala siya sa ospital sa Mabini, Batangas at doon idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Bejer, ang attending physician.

Kasalukuyang nakadetine ang rider sa Mabini police station.

AUTHOR PROFILE