Default Thumbnail

Kelot tiklo sa homicide, murder sa Baseco

November 22, 2022 Jonjon Reyes 288 views

NAKUMPIRMA ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Baseco Police Station 13 na ang isang 43-anyos na wanted sa Samar dahil sa kasong frustrated homicide noong Mayo 21, 2019 ay pinaghahanap din dahil naman sa frustrated murder matapos posasan ito sa Baseco Compound, Lunes ng hapon.

Ito’y matapos ang kumpirmasyon mula sa MPD Police Clearance at isinilbi ang arrest warrant sa suspek, residente ng Old Site Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ayon kay Police Lt. Col. Rodel Borbe, commander ng MPD Baseco Police Station, pasado alas 4:15 ng hapon, nang ihain ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Manuel Torebillas ng Regional Trial Court Branch 23 ng Allen, Northern Samar na may petsang May 29, 2019 dahil sa kasong frustrated homicide.

Ang nasabing suspek ay nagtago sa Maynila ng halos tatlong taon, makaraan itong mahabla sa nasabing kaso sa Samar.

Nauna nang dinampot ang suspek dahil sa bigong pagpatay sa umano’y kapitbahay nito sa Baseco.

Pinamunuan namaan ni P/Lt. Mel Soniega, hepe ng warrant section ang pag-aresto sa suspek bago pa man nadiskubre na may isa pang kaso ito sa nasabing probinsya.

AUTHOR PROFILE