Default Thumbnail

Kelot misteryosong inararo sa Commonwealth, dedo

December 22, 2022 Melnie Ragasa-limena 288 views

INAALAM ngayon ng awtoridad kung sino ang driver na nakasagasa sa 31-anyos na lalaki na nasawi matapos na masagasan umano ng hindi pa batid kung pampasaherong bus o truck habang tumatawid sa Commonwealth Avenue, sa Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Ang biktima ay 31-anyos, may live-in partner, at nakatira sa Litex, Barangay Commonwealth, Quezon City.

Sa inisyal na report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5, bandang 9:11 ng gabi (Disyembre 21), nang maganap ang aksidente sa Commonwealth Ave., northbound malapit sa University Lane sa Bgy. UP Campus, sa lungsod.

Ayon sa imbestigador na si PSSgt. Jaime A. Samson ng Traffic Sector 5, sinabi ng live-in partner ng biktima na na tumatawid umano ang biktima nang makita na lamang duguan nang nakahandusay sa kalsada habang mabilis na humaharurot papatakas ang hindi pa malamang uri ng sasakyan na hindi nakunan ng plate number.

Agad na isinugod ang biktima sa East Avenue Medical Center pero idineklara na itong dead on arrival ni Dr. Paul Andrew Cochon.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad kung truck o pampasaherong bus ang sangkot sa aksidente.