Kulong

Kelot kulong sa buking na boga

February 8, 2024 Edd Reyes 167 views

BUKING ang baril na walang lisensya ng 49-anyos na construction worker nang masita habang nagyo-yosi sa pampublikong lugar noong Miyerkules sa Caloocan City.

Nabigong makapagpakita ng lisensiya at permit to carry ng baril niya ang suspek na si alyas Norman ng Bankers Villa, Brgy. 171 Bagumbong.

Inaresto siya ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta na nagpagpapatrulya sa kanilang area of responsibility (AOR).

Ayon kay Col. Lacuesta, sisitahin at i-isyuhan lang sana ng Ordinance Violation Receipt (OVR) si Norman dahil sa paninigarilyo sa Sampaguita Village, Brgy. 175 Camarin dakong alas-6:20 ng umaga nang mamataan ang nakabukol na puluhan ng baril sa kanyang baywang.

Mas mabigat na kasong paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act ang kakaharapin ni Norman matapos makumpiska sa kanya ang kalibre .38 na may apat na bala.

AUTHOR PROFILE