Posas

Kelot, 40, binato ng 2 bagets, dedo

February 8, 2024 Melnie Ragasa-limena 147 views

ARESTADO ang dalawang menor de edad at isang kaibigan na tinuturong bumato sa 40-anyos na lalaki na minalas na natigok noong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Gerald Morales Aurigue ng No. 23 Group-3 Leyte St., Brgy. Payatas-B, Quezon City.

Isinuko ng kanilang mga magulang sa pulisya ang dalawang menor de edad na mga suspek na nasa edad 16 at 17 at inaresto din si Justine Sta Rosa, 19, pawang residente ng Payatas B.

Pinaghahanap pa ang isang kasama nilang nakatakas na nakilalang si alyas Marc Bacunawa ng Visayas St., Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Leyte St., Brgy. Payatas-B.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Christian D Loyola, sinabi umano ni Annalyn Flores De Dios, kalive-in ng biktima, na nakita niyang hinahabol ni Aurigue ang mga sinitang mga suspek sa hindi binanggit na dahilan.

Pero bigla siyang pinagbabato ng mga suspek at tinamaan sa ulo kaya bumagsak sa semento at nawalan ng malay.

Isinugod sa East Avenue Medical Center ang biktima pero binawian din ito ng buhay bandang alas-6:00 ng umaga noong February 6, ayon sa attending physician na si Dr. Zandy Tolentino.