Gelai

Kasal sa Ex-B member, ipinapa-annul ni Jelai

December 20, 2021 Vinia Vivar 317 views

Dahil sa mabigat na marital problems na pinagdaanan ni Jelai Andres sa asawang si Ex-Batallion member Jon Gutierrez, a.k.a. King Badger, aminado ang social media personality/actress na bagama’t masakit, marami rin naman siyang na-realize at natutunan.

“Na-realize ko na hindi ko deserved ‘yun,” natatawang sabi ni Jelai sa grand presscon/launch niya bilang bagong ambassadress ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters – ang pinakabago nitong line ng health supplements.

Maraming beses daw niyang sinubukan na bigyan ng chance ang kanilang pagsasama kaya naman wala siyang pinagsisisihan ngayon dahil alam niyang ginawa na niya ang lahat ng kanyang magagawa.

Biro pa niya, “Like 100,000 iba-ibang pagkatao na ang nagawa ko para lang… baka sakali.”

Seriously, hindi biro ang hirap na dinaanan ni Jelai to the point na nagkaroon din siya sa depression at anxiety.

Kaya nga raw very timely ang pagkuha sa kanya ng Beautéderm na maging endorser ng Reiko and Kenzen Health Boosters dahil nakatulong daw ng malaki sa kanya ang sleep enhancer na produkto nito para makatulog siya.

Nakabangon na nga si Jelai mula sa madilim na parte na ‘yun ng kanyang buhay at obvious na ring naka-move-on na siya sa paghihiwalay nila ng asawa.

Sa ngayon ay naka-proseso na rin daw ang kanilang annulment.

“Maligaya ako, I feel so blessed as I am grateful and excited ngayong bahagi na ako ng Beautéderm,” sabi ni Jelai. “I am honored that Beautéderm trusted me to represent Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters as its brand ambassador.”

“We are so happy to have Jelai as our newest Beautéderm brand ambassador,” ayon sa Beautéderm president at CEO na si Rhea Anicoche-Tan.

“Very expansive ang reach ni Jelai sa social media at malaking tulong ito upang maikalat namin ang message na each one of us should take charge of our health if we are to live our life to the fullest. Very professional si Jelai and she takes so much pride in the work that she does and I admire her very much for that,” dagdag pa ni Miss Rhea.

SWAK NA SWAK

Kasama ang Olympian at Taekwondo master na si Monsour del Rosario sa pag-iikot at online kamustahan ng Lacson-Sotto tandem sa iba’t ibang bahagi ng bansa para magsagawa ng konsultasyon at alamin ang pulso ng bayan sa napakaraming problema ng bansa.

Isa kasi si Monsour sa mga senatorial candidate ng Partido Reporma.

At hindi basta-basta ang background ng dati ring action star na kilala sa kanyang role na Buhawi Jack. Bukod doon, naging konsehal, vice mayor at kongresista rin siya ng Makati.

Kaya naman hinog na hinog, ’ika nga si Monsour sa maraming karanasan sa public service at swak sa senatorial slate ng Lacson-Sotto team.

Pero kapag nagtatalumpati siya sa harap ng mga tao, ipinapaliwanag niya kung bakit dapat suportahan at piliin ang Lacson-Sotto tandem bilang susunod na Presidente at Bise Presidente ng bansa.

Ayon kay Monsour, sina Lacson at Sotto ang may pinakamalawak na karanasan sa public service sa lahat ng mga kandidato sa pagka-Presidente at Bise Presidente.

Kaya naman sure na sure si Monsour na mahahanapan ng Lacson-Sotto tandem ng solusyon ang napakaraming problema ngayon ng bansa.

Babala ni Monsour, kapag nagkamali ang mga tao sa pagpili ng susunod na lider ng bansa, “Patay tayo nito sa susunod na six years. Lunod na lunod ang Pilipinas (sa dami ng problema).”

AUTHOR PROFILE