Allan

Lovey-dovey playtime nina Allan at Ahron, binuhay ang mga Marites

December 20, 2021 People's Tonight 417 views

PLAYTIME ng lovey-dovey posts ni Allan K habang nasa Boracay kasama si Ahron Villena.

Siyempre, umiral ang mga Marites sa pag-iisip na may relasyon sina Allan at Ahron habang nasa beach!

Pero may big reveal din si Allan para sabihing playtime lang ang ginawa nilang sweet-sweetan video na inilabas niya sa Instagram.

Nasa Boracay si Allan dahil birthday niya. Wala pa kaming balita kung nakauwi na siya dahil padating ang Bagyong Odette habang nandoon siya.

RAYMOND AT YUL, TULOY ANG BAKBAKAN

TULOY ang bakbakan nina Raymond Bagatsing at Yul Servo para sa kandidatura nila bilang vice mayor ng Manila.

“Pero magkaibigan kami ni Yul!” depensa ni Raymond sa presscon ng festival movie niyang Nelia.

Kongresista ng isang distrito sa Maynila si Yul. Kamag-anak naman ni Raymond ang mga Bagatsing ng Maynila at isang konsehal sa fourth district ng siyudad.

Mas nakikita nga lang namin si Yul na masipag mag-ikot sa lugar namin sa Sampaloc. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE