Jelai

Jelai umabot na sa sukdulan sa relasyon kay King Badger

December 20, 2021 Aster Amoyo 552 views

THIRTY-year-old Kapuso actress and social media influencer Jelai Andres is Beautederm’s newest member of its growing family of brand ambassadors now numbering to about 85 well-known celebrities.

Last Friday, December 18 ay lumagda ng kontrata si Jelai with Beautederm na ginanap sa Annabel’s in Tomas Morato, Quezon City with the brand president and CEO Rhea Anicoche-Tan who warmly welcome her to Beautederm family.

Tuwang-tuwa naman si Jelai dahil isa siya sa mga kilalang social media influencers na kinunsider na maging kabilang sa malaking pamilya ng Beautederm brand ambassadors although pangatlo pa lamang siya sa mga celebrity endorsers ng health products ng kumpanya, ang Reiko and KenZen health boosters kasunod nina Andrea Brillantes at Maja Salvador.

Si Jelai ay ex-wife ng ex-Battalion hip-hop member na si Jon `King Badger’ Gutierrez.

Dahil parehong kilalang vloggers sina Jelai at Jon, alam ng netizens ang kanilang love story magmula when they started dating at maging sila in 2015. Pero nung 2016 ay nasubok ang kanilang relasyon nang ma-discover ang relasyon ni Jon sa ibang babae. Pero sa kabila nito ay nagpatuloy ang kanilang relasyon until they got engaged in August 2017. Ayon sa actress-vlogger, apat na beses umanong nag-propose sa kanya si Jon kaya nakatanggap umano siya ng apat na engagement rings bago sila nagpakasal nung October 6, 2018 na ginanap sa Fernwood Gardens in Tagaytay City. They had their dream pre-nup pictorial in Tokyo Disneyland,

Dahil sa pagiging popular ng tambalan nina Jelai at Jon, na-feature ang kanilang love story sa “Magpakailanman” ni Mel Tiangco nung September 2017 na ginampanan nina Julie Anne San Jose at Jake Vargas.

Just a few months matapos silang ikasal ay nagsimula nang mag-post ng cryptic messages si Jelai dahil sa pagkakaroon ng problema ng kanilang pagsasama dahil sa third party sa part ng kanyang mister.

Tila naging bahagi na ng pagsasama ng (dating) mag-asawa ang kanilang bati-galit relationship. Matapos magkahiwalay, they got reunited nang pagsamahin sila ng GMA sa dalawang magkahiwalay na serye, ang “One of the Baes” at “Owe My Love”.

Nung March 2020, si Jon ay nag-release ng song entitled “Miloves” which he dedicated to his wife. Napanood pa ang dalawa na magkasama sa ilang TikTok videos. Pero sadya nga yatang may hangganan ang pagpapasensiya ni Jelai sa asawa kaya tuluyan na niya itong winakasan when she found out na patuloy pa rin umano ang extra curricular activities ng kanyang mister.

The Kapuso actress-vlogger is now in the process ng pagpapa-annul ng kanilang marriage ni Jon at mas tutok na siya ngayon sa kanyang sarili at sa kanyang solo career.

JodiJodi1Jodi unconventional ang relasyon sa ex-husband

NAKATUTUWA ang relasyon ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa kanyang ex-husband na si Pampi Lacson at present partner nito, ang dating Kapuso actress na si Iwa Moto at sa kanilang dalawang anak na sina Mimi at CJ Lacson.

Ang dating mag-asawang Jodi at Pampi ay may 15-year-old son na si Thirdy na super close din sa kanyang step-mom na si Iwa at dalawang half-siblings. At close din kay Jodi ang dalawang anak nina Pampi at Iwa.

Unconventional mang maituturing ang kanilang relasyon, it works for them kaya walang problema laluna pagdating sa mga bata.

Samantala, malapit nang matunghayan ang bagong teleserye ni Jodi sa Kapamilya channel at iba pang digital platform, ang “The Broken Marriage Vow” na adaptation sa hit British TV series na “Doctor Foster”. Ito’y pinagtatambalan nila ni Zanjoe Marudo kasama sina Sue Ramirez at Zaijian Jaranilla.

Jodi is currently in a relationship with Claudine Barretto’s ex-husband, ang actor na si Raymart Santiago.

MMFF dapat ibalik na sa dati

DAPAT sigurong ibalik na ng mga namumuno ng Metro Manila Film Festival ang traditional na Parada ng mga Artista sa Roxas Blvd. na taun-taon na dinarayo ng fans.

Magmula kasi nang ganapin ang taunang Parada ng mga Artista sa iba’t ibang munisipalidad o siyudad ay hindi na ito kasing successful kumpara sa ginaganap sa may Roxas Blvd. na nagtatapos sa Luneta Grandstand.

Maging ang kauna-unahang fluvial parade of the stars ng mga participating movies ng MMFF ay hindi rin maku-consider na tagumpay dahil kakaunti lamang ang tao na dumayo sa mga gilid ng Ilog Pasig kung saan dumaan ang fluvial parade.

Masusubukan naman ang puwersa ng taong dadagsa sa mga sinehan simula sa darating na araw ng Pasko, December 25 sa pagsisimula ng MMFF na magtatapos sa darating na January 7, 2022.

AngelAngel mabilis sa pagtulong na biktima ng kalamidad

KAPAG may kalamidad, ang isa sa kilalang celebrities na agad nagpapaabot ng tulong ay ang Kapamilya actress na si Angel Locsin at hindi rin nawala ang kanyang pagtulong sa mga sinalanta ng bagyong Odette na kumitil ng maraming buhay at pagkasira ng mga bahay, infrastructures sa iba’t iba’t lugar sa South tulad ng Cebu, Bohol, Siargao at iba pang lugar.

Although may iba pang mga personalidad ang tumutulong, kakaiba ang dedikasyon na ipinamamalas ng misis ni Neil Arce considering na hindi naman sunud-sunod ang kanyang mga proyekto at wala siya ni isang project na ginawa this year.

Ang isa pang personalidad na nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ay si Kris Aquino.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE