Angel Locsin

Kasal nina Angel at Neil tuloy na

July 21, 2021 Aster Amoyo 383 views

HINDI man natuloy ang original plan ng engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce na magpakasal nung nakaraang November 8, 2020 dahil sa pandemya, tiyak na matutuloy na ito this year bago magtapos ang taon.

It was on June 29, 2019 nang i-share ni Angel sa kanyang Instagram account ang engagement nila ni Neil. Since wala nang programang pinagkakaabalahan ngayon sina Angel at Neil, nakatutok ang dalawa ngayon sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib. The couple is now ready na bumuo ng kanilang sariling pamilya at gusto na nila na magkaroon na rin ng sarili nilang anak.

Angel, 36, has been in showbiz for almost two decades now having started in GMA in 2002 na naging tahanan niya up to 2007 at pagkatapos nito ay lumipat siya ng ABS-CBN, her home studio up to present time.

Magkasama sila ni Richard Gutierrez na nagsimula sa Kapuso Network where they were paired in the hit TV series “Mulawin” which propelled their respective stardom. The two have yet to work together again in a project sa bakuran ng ABS-CBN.

Unknown to many, si Angel ay kamuntik mapabilang Star Circle Batch 9 (which is Star Magic now) pero napunta siya sa GMA at naging bahagi ng second season ng youth-oriented TV series na “Click”. Pero seven years later ay lumipat ang actress, philanthropist at activist sa Kapamilya network.

Kylie balik na sa pag-aartista

Kylie Padilla
Kylie Padilla

AFTER confirming her separation from husband, actor Aljur Abrenica recently, Kapuso actress Kylie Padilla is back with a new untitled project under GMA na pagsasamahan nila ni Andrea Torres, among others.

Kung pagbabasehan ang respective `tease’ ng dalawa sa kanilang respective Instagram accounts, may pagka- GL (girl love) ito na kabaliktaran ng tema ng “My Husband’s Lover” TV series nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez nung 2013.

Samantala, sa kabila ng paghihiwalay nina Kylie at Aljur, mananatili silang co-parents sa kanilang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Miriam may bagong baby at 46

FORMER beauty queen (crowned 1999 Bb. Pilipinas-Universe and 1999 Miss Universe 1st runner-up)-turned actress, host, book author, inspirational speaker, physical therapist and entrepreneur Miriam Quiambao gave birth to another baby boy last July 12 (Monday) sa kanyang husband na si Eduardo `Ardy’ Roberto, Jr. at age 46. They named their second son Ezekiel Isaiah or Baby Ziki while their eldest son na si Elijah ay isinilang naman nung 2018. Miriam has a teen-age stepson sa kanyang widowed husband na si Joshua sa namayapa nitong misis. Together, they have three sons.

Kier at anak na si Dani tuloy ang patutsadahan

Kier Legaspi
Kier Legaspi

SA halip na magpatutsadahan sa social media, dapat sigurong mag-usap nang personal ang estranged father and daughter na sina Kier Legaspi at Dani Barretto-Panlilio para matuldukan na ang whatever baggages that they carry with them up to now.

Si Dani ay panganay na anak ng aktres na si Marjorie Barretto sa actor. Si Dani ay may asawa’t anak na rin, sina Xavi Panlilio at may almost two-year-old daughter, si Millie na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang kanyang paternal grandfather.

Si Kier ay kapatid ng actors na sina Brando at Zoren Legaspi.

Sunshine buntis sa pangalawang baby

Sunshine Garcia

IPINAGBUBUNTIS ngayon ng dating Sexbomb dancer and former “Banana Sundae” cast member na si Sunshine Garcia ang kanilang magiging second baby ng husband niyang actor-politician na si Alex Castro.

The couple had their first son na si Axel nung September 2018 but they only tied the knot nung March 2, 2019.

Nung nakaraang Sunday, July 18 ay ibinahagi ng mag-asawa sa social media ang kanilang nalalapit na second baby na hindi pa nila alam ang gender sa ngayon.

Si Angelo ay kasalukuyang naninilbihang board member ng Bulacan.

Mga pulitiko nagpaparamdam na

ALTHOUGH sa darating na Oktubre pa ang filing of candidacy ng mga tatakbo para sa halalan 2022, marami na ang mga kandidato na nagpaparamdam. Ilan sa kanila ay may mga advertisement na for several months now.

Urong-sulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagtakbo sa pagka-bise presidente habang hindi pa kinukumpirma ni Davao Mayor Sarah Duterte ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo kahit marami nang nagbu-volunter na maging bise niya. Kasama na rito ang dating presidential aspirant na si dating Sec. of National Defense na si Gilbert `Gibo’ Teodoro. Siguradong tatakbo rin sa pagka-presidente ang dating vice-presidentiable, ang dating senador na si Bongbong Marcos habang hindi pa nagdedeklara si Vice-President Leni Robredo kung siya’y tatakbo sa pagka-pangulo o hindi. Wait and see naman si dating Sen. Antonio Trillanes sa kanyang tatakbuhan pero willing siyang bumalik sa Senado maging si Rep. Loren Legarda. Mukhang mauulit na naman ang bangayan ng magkapatid na Jinggoy at JV Estrada na inaasahang tatakbong muli sa pagka-senador.

Sina Sen. Panfilo Lacson at Senate President Tito Sotto ay nagpahayag na ng kanilang tandem for the 2022 presidential and national elections.

Patuloy naman ang maraming taga-showbiz sa pagpaimbulog sa pulitika na karamihan ay mga datihan na ring pulitiko. Although wala pa siyang kinukumpirma, inaasahang babalik sa pulitika ang dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista either bilang kongresista o senador.

Tatakbo naman sa pagka-kongresista ng ika-limang distrito ng Quezon City ang actress at dating politician na si Aiko Melendez at kongreso rin ang bagong target ng kanyang boyfriend na si Zambales vice-governor na si Jay Khonghun. Muli ring tatakbo sa pagka-gobernador ng Laguna ang actor-politician na si E.R. Ejercito na kanyang kinumpirma sa amin nang aksidente kaming magkita sa lobby ng EDSA Shangri-La Hotel with his wife na si Pagsanjan vice-mayor na si Maita Ejercito na babalik rin sa pagkandidato sa pagka-mayor ng nasabing lugar.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE