Kanlaon Volcano Phivolcs file photo of Kanlaon Volcano

KANLAON VOLCANO NAG-AALBURUTO

May 1, 2023 Zaida I. Delos Reyes 351 views

MULI na namang nag-alburuto ang Bulkang Kanlaon makaraang magbuga ng 1,099 tonelada ng sulfur dioxide nitong Linggo.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ito na ang pinakamataas na volcanic gas na naibuga ng bulkan mula sa kanyang crater ngayong taon.

Mas mataas din ito sa average na 124 tonelada na naitala sa isang araw simula noong March 2023.

“This is almost an order of magnitude higher than the average of 124 tonnes/day recorded since March 2023. In addition to this, real-time and continuous volcanic gas monitoring of thermal springs on the northern slopes detected for the first time volcanic SO2 concentrations beginning April 2023,” pahayag ng Phivolcs.

Nakapagtala din ng 141 volcanic earthquakes simula April 1 hanggang 30 kung saan lima kada araw ang nararamdamang pagyanig.