Suarez

Kamara, Senado hinimok magnilay, magtulungan ukol sa mga pagbabago ng PH economy

March 18, 2024 People's Tonight 118 views

INIHAYAG ng mga mambabataas sa Mababang Kapulungan sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang hangarin ng pakikipagtulungan sa Senado, kaugnay sa panukala sa eonomic Charter amendments upang kagyat na maipatupad at mapakinabangan ng bansa.

“It is important for us to work with the Senate on this, so that we can limit the possible constitutional challenge on RBH 6 and RBH 7 will face,” ayon kay Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David Suarez sa ginanap na pulong balitaan.

Tinutukoy ni Suarez ang dalawang resolusyon na nakabinbin sa Kamara, at ang patuloy na tinatalakay sa Senado.

“Tayo po dito sa Kongreso, we’re set to approve this (RBH 7) on third and final reading on Wednesday and I hope that our counterparts in the Senate will find enough time in their hands to approve the same,” ayon kay Suarez.

Umaasa si Suarez na magkaroon ng pagkakataon ang mga mambabatas ng dalawang Kapulungan upang magkasundo at pagpasyahan kung ano ang nararapat na hakbang para sa dalawang panukala o ang RBH, lalo’t nalalapit na ang Holy Week break.

“Kasi iyong Senate kay RBH 6, tayo naman may RBH 7. Tayo patapos na so kinakailangan lang po talaga natin malaman sa Senate kung kailan at kung anong buwan maipapasa nila ‘yung version nila. Ang mahalaga naman po talaga dito is mapagbotohan ito ng ating mga mamamayan. Ang dulo parati nito will be a plebiscite. So, it is important for us to allow the Filipino people to decide on the proposed amendments,” ayon pa sa kongresista.

Iginiit pa ni Suarez na ang pinakamabilis na paraan sa pag-amyenda ng pagbabago sa ekonomiya ay ang pagpapatibay ng panukala, at dalhin sa Commission on Elections (Comelec) para sa pagtatakda ng plebisito sa lalong madaling panahon.

Hinimok din ni Suarez ang kaniyang mga kasamahang mambabatas sa Kongreso, lalo na sa Senado, na pagnilayan ngayong Holy Week sa kung ano ang nararapat na gawin sa economic constitutional amendment proposals.

“Siguro maganda na maximize natin ‘yung Holy Week break. We can do some self-reflection, we can pray for enlightenment. We can hope for discernment so that we can meet. Kasi talagang importanteng-importante na po ito para sa ating bansa,” ayon pa sa mambabatas mula sa Quezon.

“At nakikita niyo naman iyung excitement ng business community pagdating sa restrictions na pinag-uusapan na tatanggalin po natin sa ating Constitution. So ito pong pagkakataon na makakapagpahinga sa palagay ko maganda ‘yung pagkakataon na makapag-usap din ‘yung Senado at ang Kongreso para malaman na talaga ‘yung susunod na hakbang patungkol sa lifting ng restriction sa ating Constitution,” dagdag pa ni Suarez.

Sinabi pa ng mambabatas na sakaling mapagtibay ng dalawang Kapulungan ang resolusyon at maipadala sa Comelec para sa pagtatakda ng petsa ng plebisito, ay inaasahan ding kukuwestyunin ito sa Korte Suprema.

“Kasi mangyayari at mangyayari ‘yun, kaya mahalaga na talagang makapag-usap ‘yung leadership ng Senate at ‘yung leadership ng House para mas makita natin kung ano ‘yung daan na mas maganda with less impediments,” ayon pa sa mambabatas.

“Everything is on the table, but I think the best route for us to take is to work with the Senate, because we want to lessen any legal obstacle for RBH 6 and RBH 7 will eventually face,” tugon ni Suarez nang tanungin ng media kung maaari bang idiretso sa Comelec ang RBH 7 sakaling mapagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara.

“Tulad nga ng sinabi kanina na may mga sektor na handa nang maghahabla ng kaso sa Supreme Court, so mas maganda kung maghahabla ng kaso at may mga legal questions na kailangan mabigyan ng kaliwanagan. Maganda ‘yung both houses mag-usap para ma-address na kaagad natin ito moving forward,” ayon kay Suarez.

Sinabi naman ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jefferson Khonghun na mas makabubuti kung aprubahan na ng Senado ang kanilang bersyon na RBH 6 bago pa man ito dalhin sa Comelec.

“Mas maganda kung aprubahan ng Senado ‘yung RBH 6. Kasi syempre inaantay na rin namin sila…So sana kunin ng Senado ‘yung oras ngayong Holy Week para naman mapag-isipan nila. At sana naman ano ‘yung maramdaman nila ‘yung konsensya dahil talagang kailangang-kailangan na ito ng bawat Pilipino,” ayon pa sa mambabatas.

Sa bahagi naman ni Rep. Rodge Gutierrez ng 1-RIDER Party-list, mas mabuti na maihain na ang kaso sa Supreme Court (SC) sa oras na maipasa ng Kamara ang RBH 7.

Dagdag pa ni Gutierrez na ang pagpasa ng resolusyon sa Mababang Kapulungan ay sapat nang senyales sa SC na suriin ang usapin.

“Personally, I hope that they do consider that as a trigger…Over the Holy Week, we still have to consider the thoughts and the considerations of our colleagues in the Senate, but while that is pending, hopefully the SC would start the legal process to finally come up with a definite answer to these lingering questions,” ayon sa mambabatas.

“All of these are important, but we’re all moving towards the same goal naman and at the end of the day, any which way that the SC may rule, tao rin po ang magde-desisyon. It will end up in a plebiscite and that’s the most important thing,” dagdag pa ni Gutierrez.

Sinabi naman ni Malasakit@Bayanihan Party-list Rep. Anthony Golez na umabot na sa punto ang Kamara sa kanilang adbokasiya na gawin ang lahat ng posibleng mga paraan upang maisakatuparan ang panukalang pagbabago sa ekonomiya.

“It can be a bifurcation of so many steps. Kasi wala pang nakakaabot sa ganitong punto ang Kongreso. Makikita natin ngayon na maraming katanungan, papunta ba sa Comelec, papunta ba sa Supreme Court? All these things are possible,” ayon kay Golez.

AUTHOR PROFILE