Poe

Kalma lang, pero paglaban sa pambubully ng China wag itigil

March 25, 2024 PS Jun M. Sarmiento 118 views

NAGHIHIMUTOK si Sen. Grace Poe at mariin niyang ninondena ang ‘di makataong pag-atake ng barko ng China sa barko ng Philippine Navy sa West Philippine Sea gamit ang water canon

Tatlong mIyembro ng Philippine Navy ang diumano’y nasaktan dahil sa walang awang pagbobomba ng tubig habang patuloy na hinaharang at hinahabol ng dambuhalang barko ng China ang barkong Unizah May 4 vessel ng Pilipinas.

Ani Poe, ipinakita lamang ng aksyon ng China kung gaano ito kawalang galang at hindi sibilisado.

“This uncivilized action should stop. We must hold the Chinese vessel responsible for the injury inflicted on our troops,” ani Poe.

Naniniwala si Poe na bagama’t tama ang diplomasya ang sagot natin laban sa ginagawang pag atake ng China, dapat din na huwag itigil ang kalmado at sibilisado nating pakikipaglaban sa mga ito.

“We must also seek accountability. From shadowing our vessels to collisions and water cannon assaults, incidents in the West Philippine Sea have been escalating,” ani Poe.

Sinabi naman ni Sen. Francis Tolentino na kailangan na gumawa ng mga aksyon at defense treaty alliances ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng tamang pakikipag ugnayan at pagtulak sa tinatawag na research and development pact sa mga bansang may maritime isyu upang makabuo ng tamang alliances sa international community.

Tahasan sinabi ni Tolentino na naniniwala siyang hindi hihinto ang China sa kanilang ginagawa laban sa Pilipinas.