Joshua

Joshua, ‘no comment’ sa isyung hiwalayan kay Bella

April 14, 2023 Vinia Vivar 264 views

Bella“I think we’re good, I think okay kami.”

Ito ang pahayag ni Joshua Garcia tungkol sa estado nila ng social media influencer na si Bella Racelis.

Usap-usapan nga kasi ng mga Marites ang pag-unfollow ni Bella kay Joshua sa Instagram a few days ago.

Ito ay matapos mapansin ng netizens na wala na sa list of “following” ng social media influencer ang aktor.

Pero nakita rin nila na si Joshua ay nananatiling naka-follow kay Bella.

Nang makausap ng press si Joshua recently sa isang event, inamin niyang nakarating naman sa kanya ang breakup rumors.

Sey niya, no comment na lang, pero okay naman daw sila.

Kasabay nito ay nilinaw ng aktor na single siya.

“‘Yun nga, eh. Parang lahat na lang nali-link sa akin. Parang bawal ako magkaroon ng kaibigang babae. Marami naman akong friends,” sey ng aktor.

At bilang sanay na rin siya sa intriga, hindi na raw siya nagpapaapekto sa mga tsismis tungkol sa kanyang personal life.

“Nasa sa iyo kung magpapaapekto ka ba or hindi. Nine years na rin ako sa industry,” aniya.

“At first, naaapektuhan ako sa mga ganyan. Palagi akong nagbabasa ng tweets, mga comment. Pero ngayon, hindi na eh. Ngayon, focus sa goals,” dagdag pa niya.

Matatandaang nagsimulang ma-link sila Bella at Joshua last year nang mapansin ng netizens na panay ang like at comment ng huli sa mga post ng una.

Bukod dito ay nakita rin silang magkasamang naglalakad na tila magkahawak-kamay.

At heto na nga ngayon, balitang nag-break na sila gayung hindi pa nga sila umaamin na naging sila.

AUTHOR PROFILE