Beauty

Viral ‘flower photo’, ideya ni Beauty… pagpu-post sa socmed, sulsol ng mister

April 14, 2023 Ian F. Fariñas 361 views

IDEYA pala mismo ni Beauty Gonzalez ang pagpu-pose ng viral “flower photo” niya mula sa pictorial ng bago niyang endorsement na Hey Pretty Skin.

Sa media launch kahapon ng nasabing product sa Crowne Plaza Grand Ballroom, inamin ng Kapuso actress na ang mister naman niyang si Norman Crisologo naman ang nag-udyok sa kanya na i-post ang naughty pictorial sa socmed.

Kwento ni Beauty, “It was my idea, hahaha! It was my idea. I was like, ‘what am I gonna do with these flowers? Okay, I’ll put a flower here and a flower here, hahaha! I don’t know, natawa ako du’n!

“Sabi ko, ‘baby, my flower went viral.’ Sabi niya, ‘what do you mean? what flower are you talking about?’ Sabi ko, ‘not my flower-flower, hello? The flower photo. Sabi niya, ‘oh! okay. well, mabango naman ‘yan, so I’m happy for you!’ Hahaha!”

“Very funny” daw si Norma, kaiba sa mga lalaki na tipong seryoso.

“He’s very open and kind. Actually, he was the one who insisted that I post that photo ‘coz he really likes it. And believe me, ako nahihiya ako mag-post ng sexy photos, pero ‘pag sinabi na ng asawa ko mag-post, siyempre, post naman ako kasi mas naniniwala ako sa kanya, di ba? So, siya ‘yung namimilit sa akin na mag-post parati ng sexy photos. Kasi sabi niya sa akin, ‘naku, pagdating mo ng ano, wala na ‘yan.’ So habang nandito pa at ano, siya ‘yung nag-iinsist na mag-pictorial kami ‘coz he wants to capture this beautiful moment in my life. He wants to put it in his, you know, and I can always look back and that is the greatest gift a husband can give you… na to get a photo of you at your most beautiful moment in your life, ‘coz when I’m 50, I could look back again. And I can’t find another… wala pa akong nahanap na lalaki na ganu’n so sobrang thankful po ako sa kanya,” patuloy ng kauna-unahang Hey Pretty Skin celebrity endorser.

Bukod sa bagong endorsement, sunud-sunod din ang proyekto ni Beauty sa Kapuso network. Kaya naman sobrang thankful daw siya sa GMA dahil hindi siya nababakante mula nang lumipat siya sa istasyon almost three years ago.

Nakasama na niya ang GMA pioneers tulad nina Dingdong Dantes (AlterNate), Gabby Concepcion, Carla Abellana (The Stolen Life) at kung matutuloy, si Sen. Bong Revilla sa upcoming sitcom na Walang Matulis na Pulis sa Matinik na Misis.

Ayon kay Beauty, excited siyang makasama si Sen. Bong for the first time. Pero pressured din siya dahil nga hit ang movie version nito kung saan ginampanan ni Cong. Lani Mercado ang papel na gagampanan niya sa sitcom.

Ganunpaman, looking forward ang aktres sa pagkakataong makapag-comedy lalo pa’t ito ang side niya na hindi gaanong nakikita ng audience.

Dito rin daw niya mapa-practice ang pagiging Bisaya kaya ngayon pa lang, inuumpisahan na uli niyang magsalita in her native dialect.

Anyway, wish ni Beauty na makatrabaho rin ang iba pang GMA stars gaya nina Alden Richards, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at Marian Rivera, pati na sina Ruru Madrid, Bianca Umali at ang hinahangaan niyang si Mikee Quintos.

Makakatulong sa pagiging active niya sa iba’t ibang location shooting at taping ang mga produkto ng Hey Pretty Skin ni Anne Barretto tulad ng paborito ni Beauty na Tinted Sunscreen. Nariyan din ang top selling na Neoglow Set at Kojieko soap, Prestige Glow Set, Happy Lift Serum, Facial Foam Cleanser at Angel White Body Scrub.

Available ang Hey Pretty Skin sa heyprettyskin.com, Shopee, Lazada at Rising Era Dynasty branches sa Metro Manila, General Santos City, Ozamis City at Hong Kong.

Ito ay distributed nationwide ng Rising Era Dynasty ni Red Era.

AUTHOR PROFILE