John

John at Isabel malaput nang lumipat sa bagong bahay

May 5, 2022 Aster Amoyo 394 views

SA darating na May 16 ay ise-celebrate ng celebrity couple na sina John Prats at Isabel Oli (Maria Olivia Daytia-Prats) ang kanilang 7th wedding anniversary. The couple got married on May 16, 2015 sa family-owned resort ng mga Prats in Batangas, ang Nayomi Sanctuary Resort.

Hindi rin makakalimutan ng publiko ang engagement nina John at Isabel sa pamamagitan ng isang flash mob proposal in East Wood City, Quezon City nung September 14, 2014.

The celebrity couple have three children na sina Lilly Feather (6), Daniel Freedom (3) at ang bunsong si Lilia Forest (1).

At 41, si John ay nag-evolve mula sa pagiging actor-dancer at ex-PBB housemate sa pagiging isang concert and TV director and entrepreneur. Siya’y bahagi pa rin hanggang ngayon sa top-rating and long-running action drama series, ang “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin na siya ring tumatayong creative director at co-director ng serye. Binigyan na rin siya ni Coco ng pagkakataon to direct some scenes of the series. Pero pagdating sa ilang TV specials ng ABS-CBN tulad ng Christmas special, kay John na ito ipinagkakatiwala ng TV network.
Samantala, malapit na ring lumipat si John at ang kanyang pamilya sa bago nitong ipinatayong bahay.

Baby

Preggy

Celebrity baby boom

MUKHANG may celebrity baby boom sa taong ito ng 2022. Pagkatapos sunud-sunod na makapag-silang sina Jennylyn Mercado, Angeline Quinto at Winwyn Marquez ng kanilang first babies sa kanilang respective partners, nakapag-silang na rin ang dating actress and former beauty queen na si Rich Asuncion ng kanyang second child with husband, ang Fil-Australian rugby player na si Benj Mudie.

It was on April 27 nang mag-post si Rich sa kanyang Instagram account ng picture nila ng kanyang new baby na isang girl at kanilang pinangalanang Alessandara. Ang kanilang eldest daughter na si Bella Brie turned 3 last December 2021.

It was last September 2021 nang ibahagi ni Rich na ipinagbubuntis niya ang kanilang magiging second baby ng kanyang husband na si Benj. Nagkaroon naman ng gender reveal party last December at dito nalaman na panibagong baby girl ang kanilang second child.

Ang mag-asawang Rich at Benj ay nag-relocate sa Australia in March 2020 to start a new life there. December 2021 nang sila’y lumipat sa kanilang bagong biling bahay. Sa umpisa ay namasukang waitress si Rich para makatulong sa kanyang husband. Naisingit din niya ang pag-aaral doon.

Si Rich ay naging Starstruck avenger nung 2007 at siya’y naging Kapuso actress.

Viva open sa iba’t ibang business collab

NAIBAHAGI sa amin ng big boss ng Viva Communications, Inc. na si Boss Vic del Rosario na kahit meron na silang sariling streaming app sa na Vivamax with over 3 million subscribers, nagbibigay pa rin umano sila ng mg pelikula sa Netflix tulad ng “A Hard Day” nina Dingdong Dantes and John Arcilla na dinirek ni Lawrence Fajardo at ang “More Than Blue” nina Yassi Pressman at JC Santos na dinirek naman ni Nuel Naval. Ang dalawang nasabing pelikula ay parehong Philippine adaptation ng Korean movie of same title.

Unti-unti na ring nagpapalabas ng pelikula ang Viva for theatrical release na ang pinakabago ay ang “Rooftop” na dinirek ni Yam Laranas. After 45 days ng cinema release ay saka lamang ito maipapalabas sa Vivamax app.

Ayon kay Boss Vic, marami umano silang ongoing production ng mga movie projects and series na intended for theatrical release, Vivamax at maging sa Netflix.

“Our hands are full sa rami ng mga ongoing projects ng Viva, labas pa rito ang sisimulan namin with GMA (Pictures),” pahayag ni Boss Vic nang ito’y aming makausap sa kanyang tanggapan last Wednesday afternoon.

Tinanong din namin si Boss Vic kung bakit no show siya sa summer grand celebration ng Vivamax na kamakailan lamang ginanap in Quezon City. Ayon sa kanya, hinayaan na umano niya ang kanyang eldest son na si Vincent del Rosario (president and COO of Viva Communications, Inc.) na siyang mamuno sa event.

Bukod sa solo productions ng Viva Films and eventually joint-venture with GMA Pictures, bukas din ang kumpanya sa iba pang co-venture with other independent film producers at kasama na rin dito ang pagiging distributor ng pelikula ng ibang producer.

Viva Communications, Inc. is a multi-media family corporation. The company is into film production, live concerts, recording, talent management, radio and TV, food business, music publishing, book publishing, advertisements, etc.

Jake

Ang tunay na dahilan ng break up nina Jake at Kylie

GAANO kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na ang isa umano sa sanhi ng paghihiwalay ng magkasintahang Jake Cuenca at ang dating beauty queen-turned actress na si Kylie Verzosa ay dahil sa pagiging alcoholic diumano ng actor.

It was only last month nang magkahiwalay sina Jake at Kylie ending their three-year relationship bilang magkasintahan. Pareho umanong iniyakan ng dating magkasintahan ang kanilang paghihiwalay dahil sobra nilang mahal ang isa’t isa.

Up to this day ay tahimik pa rin ang dating magkarelasyon sa tunay na dahilan ng kanilang break-up.

Si Jake ay kasalukuyang napapanood sa malapit nang magtapos na primetime TV series na “Viral Scandal” habang si Kylie ay kasalukuyang napapanood sa Vivamax sa pelikulang “Ikaw Lang ang Mahal,” her first team-up with Zanjoe Marudo and is about to start a new movie project under Viva, her home studio.

Viva

‘Breathe Again’ mapapanood na

SIMULA sa darating na June 3, 2022 ay mapapanood sa Vivamax app ang pelikulang “Breathe Again,” ang first full length movie ng TV commercials director na si Raffy Francisco. Ang nasabing pelikula ay tinatampukan ng 2013 Miss Universe-Philippines-turned actress na si Ariella `Ara’ Arida, Tony Labrusca, Jela Cuenca at Ivan Padilla na first time nagkatrabaho in the movie.

Ang respective characters nina Ara at Ivan as Paulo and Joanna ang magkasintahan sa nasabing pelikula na parehong matutukso sa characters na ginampanan nina Tony at Jela as Robert at Vivien. Makikita sa nasabing pelikula ang maiinit na mga eksena nina Ara at Tony maging nina Ian at Jela.

Ang “Breathe Again” ay first movie project ni Tony sa bakuran ng Viva. Siya’y huling napanood sa pelikulang “Hello: Stranger: The Movie” in 2021 habang si Ara naman ay huling napanood sa mga pelikulang “Sarap Mong Patayin” at “More Than Blue” also in 2021.

Subscribe, like, share and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE