Luis Larawan mula sa IG/Jessy Mendiola

Jessy kay Luis: ‘Kuyang manyak’

February 22, 2024 People's Tonight 96 views

ISINIWALAT ng TV host-actor na si Luis Manzano na tinatawag siya ng kanyang asawa na si Jessy Mendiola bilang “kuyang manyak.”

Sa kanyang latest vlog kasama ang guest na si Bianca Umali, rebelasyon ni Luis dahil sa age gap nilang mag-asawa kaya siya natatawag na manyak ng aktres.

“Si Jessy, kung saan asawa ko na siya, may anak kami, ang term na palagi niyang sinasabi, ang tingin niya sa akin ay… totoo to, ‘kuyang manyak,’” pagbabahagi ni Luis.

“’Di, kaya syempre, one, is 11 or 12 years older ako sa kanya, second, pag nag-a-ASAP kami… Tapos, ang tambayan ko kasi nung nag-a-ASAP kami, because some of my closest friends are sina Nikki Gil, si Iya, si Shaina. So nung nag-a-ASAP kami dati, dun ako tumatambay sa girl’s dressing room. At magkakasama yon, siguro lahat, mga 7 or 8 girls. Syempre pag nagbibihis, lumalabas naman ako. Pero pagka-on-going yung show, tumatambay ako don,” kuwento pa ng TV host-actor.

“So I would see Jessy, I would say hi, mangungulit ako, everyone… So sinasabi lang niya ‘Itong si Luis, punta nang punta sa mga babae, kinakausap niya lahat, para siyang kuyang manyak,’” dagdag pa niya.

Nitong Miyerkules, February 21, ay ipinagdiwang nina Jessy at Luis ang kanilang ika-3rd wedding anniversary.

Sa Instagram account ni Jessy, ibinahagi niya ang ilang wedding photos kalakip ang madamdaming mensahe para kay Luis.

“Being together for almost 8 years and being married for 3 years have taught me so many things. One of them is that love is not always easy, and that it isn’t supposed to be easy all the time. You have to constantly work hard for it. And that’s okay.. Today, I’m choosing to work harder for your love and happiness. Tulad nga ng sabi ni father, do not chase excitement… mas importante ang desire. The desire to get married over and over again with that person you chose,” pahayag ng aktres.

AUTHOR PROFILE