EA Guzman

EA timbog kay Shaira sa pag-like ng bikini photos ng ibang bebot

February 22, 2024 People's Tonight 106 views

TINAWANAN na lamang ng aktor na si EA Guzman nang ilaglag siya ng kanyang fiancée at aktres na si Shaira Diaz sa pagla-like nito ng sexy pictures ng ibang bebot.

Sa isang episode ng GMA talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, napag-usapan ang pagla-like ni EA ng bikini photos ng iba.

“Pero ang nakakatuwa nito, nagseselos dahil luma-like ka doon sa mga [sexy]… I mean, I’m talking 4 years into the relationship. Totoo yon?” pahayag ni Boy Abunda.

“Totoo po yun. Kasi yung mga pina-follow ko, pina-follow niya din. So nagugulat ako, hindi pa ko naka-like, may EA Guzman na don,” saad naman ni Shaira.

“Galing! […] Ini-screenshot ko, sinesend ko [sa kanya]. ‘Oh, ano to? Ba’t ka naka-like sa mga naka two piece? Gusto mo ba mag two piece din ako?’” pagpapatuloy pa ng aktres habang tumatawa si EA sa kanyang mga sinabi, maging ang King of Talk.

“Hinahamon ko. Eh pag mga naka-sexy ako, ayaw niya, oh,” dagdag pa ni Shaira.

AUTHOR PROFILE