Default Thumbnail

Japanese nat’l natagpuang nakahandusay sa Malate condo

November 23, 2022 Jonjon Reyes 203 views

ISANG 59-anyos na Japanese National ang natagpuang nakahandusay sa loob ng kanyang tinutuluyang condominium sa Malate, Maynila Miyerkules ng umaga.

Nagawa pang maisugod sa Ospital ng Maynila ang lupaypay na katawan ng biktima ngunit hindi na ito naisalba ng mga manggagamot ang buhay ng biktima na nakatira sa isang condominium sa Mabini Street, Malate.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Arvy Macaraig kay Police Lt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, pasado alas 6:35 ng umaga ng madiskubre ng kanyang kababayang Hapon ang nakahandusay na katawan ng biktima kung saan ito ay nasa katabing kuwarto lamang ng saksi matapos nitong katukin ang tinutuluyan ng biktima.

Kaagad naman tumawag sa mga staff ng condo ang saksi at humingi ng saklolo para madala ang biktima sa pagamutan subalit binawian rin ito ng buhay.

Una ng dinaing ng biktima ang paninikip umano ng kaniyang dibdib at diumano’y may iniindang hypertension at diabetes ang biktima.

Gayunman, masusing iniimbestigahan ang tunay na pagkamatay ng biktima kung may “foul play” na nangyari habang hinihintay ang resulta ng awtopsiya nito sa Cedrick Funeral Morgue.

AUTHOR PROFILE