Jaclyn

Jaclyn depression ang dahilan bakit gustong mag-retire

September 3, 2022 Aster Amoyo 505 views

UMANI ng varied reaction sa netizens, supporters and colleagues ang September 1, 2022 post sa kanyang Instagram ng award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose na may kinalaman sa kanyang planong maagang pagre-retire sa showbiz. Pero agad din niya itong tinanggal realizing na meron pa pala siyang natitirang two years contract with GMA.

Hindi ikinakaila ng Cannes Best Actress na depression ang dahilan kung bakit gusto na niyang huminto sa kanyang acting career dahil mag-isa na lamang siyang namumuhay at wala na sa kanya ang kanyang dalawang anak na sina Andi at Gwen.

Si Andi ay naka-base na sa Siargao with her own family habang si Gwen ay nasa Amerika at doon nag-aaral leaving her alone sa kanyang bahay.

Single-handedly niyang pinalaki, binuhay at pinag-aral ang kanyang dalawang anak pero hindi niya na-realize na balang araw ay mawawala ang mga ito sa kanyang piling to start a life of their own.

Although nauunawaan ni Jaclyn ang present situation ng dalawa niyang anak, hinahanap-hanap pa rin niya ang mga ito kahit sa pamamagitan man lamang ng tawag at pangungumusta sa kanya o paminsan-minsan na pagdalaw sa kanya.

May tatlo na siyang apo kay Andi pero hindi rin niya nakikita at nakakasama ang mga ito.

Although hindi siya nawawalan ng trabaho sa bakuran ng GMA, mag-isa siyang namumuhay na malayo sa kanyang dalawang anak at mga apo at dito pumapasok ang lungkot sa kanya.

Si Andi ay anak ni Jaclyn sa yumaong award-winning actor na si Mark Gil habang si Gwen ay anak naman niya sa musician (guitarist) na si Kenneth Ilagan ng The Dawn, True Faith at Rivermaya.

At ang talent ni Kenneth sa paggigitara ay minana ni Gwen.

Ngayong wala na sa kanya ang dalawa niyang anak, ngayon lamang niya na-realize ang kahalagahan ng isang partner na makakasama hanggang sa kanyang pagtanda.

Joross

Joross at Roxanne may fans pa rin

KAHIT dalawang taon lamang ang naging relasyon noon ng dating magkasintahang Joross Gamboa at Roxanne Guinoo na may kani-kanyang pamilya na ngayon, naroon pa rin ang magic ng tambalan ng dalawa na nasubukan sa hit series ng iWant TFC, ang “Hoy Love You” na nagkaroon pa ng part 2.

Sa ikatlong pagkakataon ay ibabalik ang tambalan ng dalawa sa ikatlong part ng “Hoy Love You” kung saan nila muling makakasama sina Dominic Ochoa, Carmi Martin, Pepe Herrera, TJ Valderama, Yamyam Gucong, Keanna Reeves at Aljon Mendoza.

Sa dating magkasintahang Joross at Roxanne, ang huli ang unang nag-asawa sa Filipino-Chinese businessman na si Angelo Elton Yap, pinsan ni Tim Yap. The couple got married in 2011 at meron silang isang anak na si Rain Eliana Guinoo Yap. Three years later ay si Joross naman ang lumagay sa tahimik with wife Kathy Kimberly Saga or Katz. Ang mag-asawa ay ikinasal sa isang Christian wedding sa Fernbrook Gardens in Alabang nung November 29, 2014 at meron na silang dalawang supling, sina Jace Kyler (6) at John Cody (5).

Natutuwa pareho sina Joross at Roxanne dahil hanggang ngayon ay may natutuwa pa rin sa kanilang tandem kahit pareho na silang may kani-kaniyang pamilya.

Gil

LizQuen tapos na

IT seems na tapos na ang tambalang LizQuen ng magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil dahil sa magkakaibang direksyon ng kanilang respective career ngayon.

Si Liza ay kumalas na sa pangangalaga ng Star Magic at ni Ogie Diaz and signed up with James Reid’s own management company na ang target ay international market habang si Enrique ay nananatili sa pangangalaga ng Star Magic at ni Ogie.

Enrique will be doing projects without Liza who is eventually debuting in her Hollywood project na “Liza Frankenstein”.

While Enrique is supportive of his girlfriend’s new career path, nalulungkot naman ang fans ng LizQuen na huling napanood sa hindi natapos na serye ng Kapamilya network, ang “Make It With You” na isa sa mga casualty sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN nung May 5, 2020. Last movie naman nila together ay ang hit movie na “Alone/Together” in 2019.

Since tumatak na sa publiko ang tambalan nina Liza at Enrique, it’s about time na mag-solo na ang young actor pagdating sa kanyang career.

Mahigit dalawang taon na ring walang bagong proyekto si Enrique.

Vice

Vice Ganda kaagad nagri-react sa fake news

VICE Ganda would react easily kapag may mga fake news na lumalabas na may kinalaman sa kanya o sa kanila ng partner na si Ion Perez.

Hindi pinalampas ni Vice Ganda ang fake news na may kinalaman umano sa tiff nila ng Kapuso primetime queen na si Marian Rivera.

Maging ang masaya nilang pagsasama ni Ion ay nahahaluan din ng mga intriga na hindi rin ikinakatuwa ng singer, actor-comedian-host at maging ni Ion mismo.

Kilala si Vice Ganda sa pagiging straightforward pagdating sa issues na ibinabato sa kanya at maging sa mga taong malalapit sa kanya. Hindi rin niya palalampasin ang mga issue sa kanya laluna’t hindi ito totoo.

“Build your castle from the rocks thrown at you or that stood in your way, and it, like you, will have strength untold,” pagbabahagi niya sa kanyang Instagram account.

Samantala, muling mapapanood si Vice Ganda sa ikalawang season ng musical game show na “Everybody Sing”. Regular pa rin siyang napapanood sa noontime program na “It’s Showtime”. Sisimulan na rin niya this month ang filming ng “Partners In Crime” na pagtatambalan nila for the first time ng top celebrity YouTuber and actress na si Ivana Alawi na pamamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina.

Joshua

Joshua may two heart emojis from Nicki Minaj

UMANI ng mahigit 23M views ang bagong TikTok ng young Kapamilya actor na si Joshua Garcia matapos nitong sayawin ang song ng American popular female rapper na si Nicki Minaj.

Bukod sa mataas na views, nakakuha rin si Joshua na two hearts face emoji mula mismo kay Nicki.

Si Joshua ay ka-tie ni Vice Ganda na pinarangalang “Celebrity of the Year” ng TikTok Philippines.

Ang young actor ay isa ngayon sa mga prized talents ng Star Magic ng ABS-CBN.

Regular na napapanood ngayon si Joshua sa hit primetime TV series na “Darna” na pinagbibidahan ni Jane de leon.

Although nali-link ngayon si Joshua sa non-showbiz girl na si Trina Guytingco ng Ateneo Women’s Basketball Team, marami ang nagka-crush sa ex-boyfriend ni Julia Barretto at kasama na rito ang actress at top female vlogger na si Ivana Alawi maging ang Fil-American singer na si Bella Poarch.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE