Ivana

Ivana matindi ang pakulo: Libreng tiket sa Eras Tour ni Taylor Swift sa Singapore

February 21, 2024 Eugene E. Asis 105 views

Ivana1Ivana2MATINDI ang bagong pakulo ni Ivana Alawi para sa kanyang social media followers na kagaya niya ay isang Taylor Swift fanatic.

In-announce ng sexy actress-vlogger na pipili siya ng isa na bibigyan niya ng tiket para sa Eras concert tour ni Taylor Swift, at all-expense paid trip sa Singapore. May kasama rin itong hotel accommodation at food allowance.

Grabe talaga.

Ayon kay Ivana sa kanyang Instagram account: “Once in a lifetime opportunity mapanood si Taylor Swift tapos all expense paid and VIP ticket pa.”

At bukod dito, makakasama siya mismo ni Ivana sa panonood ng naturang concert ng American singer-actress sa Singapore.

“Lahat ay libre. Ang iisipin mo na lang ay pagvivideo mo at ang pag eenjoy mo habang nanunood ng idol natin na si Taylor Swift,” sabi pa ng sexy vlogger.

Narito ang guidelines at requirements para makasali sa kanyang pa-contest.

Paalala ni Ivana, lahat ng sasali sa raffle ay kailangang merong valid passport, at kailangang mag-share ng kanyang announcement video, at i-follow ang lahat ng kanyang social media accounts (Facebook, Instagram, TikTok, at YouTube).

Kailangan din nilang ilagay ang kanilang favorite Taylor Swift lyrics sa comments section ng kanyang video.

“Napakadali wala kayong kailangan gastusin o bilihin. All you have to do is share this video and put your favorite Taylor Swift lyrics.

“Example ng akin, I was enchanted to meet you. I love you Ivana. Ganu’n! Kung ano man gusto niyo sabihin,” sabi pa niya sa post.

Sa February 22 magaganap ang announcement ng lucky winner na pipiliin sa pamamagitan ng randomizer.

Magaganap ang “Eras Tour” ni Taylor sa Singapore sa March 2, 3, 4 & 7, 8, at 9, 2024 sa National Stadium, Singapore.

AUTHOR PROFILE