Default Thumbnail

ISO 9001: 2015 napanatili ng Port of Subic

July 26, 2023 Vic Reyes 226 views

Vic ReyesKAMAKAILAN ay matagumpay na napanatili ng Port of Subic sa Zambales ang kanilang ISO 9001: 2015 certification.

Ito ay pagkatapos na maipasa ng Port of Subic, na pinamumunuan ni District Collector Carmelita “Mimel” S. Manahan-Talusan, ang tinatawag na “surveillance audit.”

Ang “surveillance audit of processes” ay isinagawa ni Adorable Aguila, external auditor ng TUVSUP.

Ayon sa isang pahayag ng BOC, “the audit covered various aspects of the Port of Subic’s processes and operations.”

Pinasalamatan naman ni Ma’am Mimel, anak ni dating BOC Deputv Commissioner Julie S. Manahan, ang kanyang mga personnel dahil sa kanilang hard work at dedikasyon sa trabaho.

“Certainly, the men and women in customs uniform at the Port of Subic are out to deliver excellent and quality service to the general public,” ayon sa isang long-time customs broker.

Congrats, Collector Mimel at sa mga opisyal at kawani ng Port of Subic!

***

Katuwang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Bureau of Customs (BOC), na pinamumunuan ni Commissioner Bievenido Y. Rubio, sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs.

Sa totoo lang, lalo pang pinapaigting ng BOC ang nasabing kampanya para mapigilan ang pagpasok sa bansa ng illegal drugs, kasama na ang shabu, cocaine at kush o high-grade marijuana.

Sana maglabas din ang ahensya ng weekly o monthly report kung sinu-sinong collection districts ang may pinakamalaking huli ng mga ipinagbabawal na gamot.

Noong Hulyo 20 ay nag-turn over sa PDEA ang Port of Clark sa Pampanga ng mga kumpiskadong kush marijuana at iba’t ibang marijuana by-products “for proper disposition.”

Ang PDEA ay ang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board (DDB) na binuo ni yumaong Pangulong Ferdinand Edralin Marcos, ama ni Presidente BBM, noong 1971.

Mandato ng DDB ay bumalangkas, bumuo ng government policies “in dealing with illegal drugs in the Philippines.”

Nagkakahalaga ng mahigit P4.5 milyon, ang mga kumppiskadong kontrabando ay kinabibilangan ng iba’t ibang marijuana by-products, ayon kay District Collector Ricardo Uy Morales II.

Ang mga produkto ay kinumpiska dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation sa Republic Act (RA) No. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy na pinapaigting ng Port of Clark ang kampanya laban sa illegal drugs bilang pagsunod sa direktiba nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at BOC Chief Bienvenido Y. Rubio.

Sinabi ni Commissioner Rubio: “We remain firm in guarding our borders to prevent these products (illegal drugs) from reaching the consumers and ensure the safety of the public.”

Pag-upo ni Commissioner Rubio noong nakaraang Pebrero ay paglaban sa ismagling ng illegal drugs at agricultural products ang isa sa mga unang direktiba sa kanya ni Pangulong BBM.

Alam kasi ni Presidente Marcos na maraming kababayan natin ang nahihirapan dahil sa illegal na pagpasok ng mga produktong ito sa ating bansa.

Kahit kulang sa manpower at material resources, sinisikap ng mga opisyal at tauhan ni Commissioner Rubio na pigilan ang ismagling ng droga at produktong agrikultura sa bansa.

Nagtatagumpay naman sila.

Hindi ba, Finance Secretary Benjamin Diokno?

***

Sa tingin ng marami nating kababayan ay talagang suportado ng Kongreso ang legislative agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Sa isinumiting legislative agenda ng administrasyong Marcos ay naglalayong mapabilis ang pagsulong ng ating bansa sa gitna ng maraming problemang kinakaharap natin.

Ang proposed legislative measures ay bunga ng mga masusing pag-aaral ng mga eksperto.

Kaya ang tingin ng marami, kasama na ang mga ordinaryong Pinoy, ay hindi mahihirapang lumusot sa dalawang kapulungan ng Kongreso – Senado at Kamara de Representante – ang mga ito.

Baka ang kailangan lang ay fine-tuning para lalong mapaganda ang mga proposed piece of legislation.

Hindi ba, House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE