Isko

Isko, nagpasintabi sa TVJ bago tinanggap ang ‘Eat Bulaga’

June 16, 2023 Jun Nardo 359 views

TVJHINDI nag-aambisyon si former Manila Mayor Isko Moreno na pantayan ang nagawa nina Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga.

“Mahirap fill-up-an ang ginawa nina Tito, Vic and Joey sa mga Pilipino dito at sa abroad sa loob ng 44 years.

“It will be a big challenge na sumuot sa sapatos nila. Hindi man natin mapantayan, ang importante, ang ipagpatuloy ang pagbibigay-saya sa mga tao through Eat Bulaga,” pahayag ni Isko nang makausap namin sa Scott Media office bago humarap sa Marites University hosts.

Kinailangan pa ba niyang magpaaalam kina Tito, Vic at Joey bago tanggapin ang alok ng TAPE, Inc. para sa Bulaga?

“Nagpasabi ako in advance through a common friend. Wala namang reaction. Okey lang naman daw sabi ng kaibigan ko,” sagot niya.

Dagdag pa ni Isko, “Naging bahagi na ng buhay natin ang Tito, Vic and Joey. I respect them.”

Makaking tulong din ang naging training niya sa hosting sa That’s Entertainment at GMA Supershow.

“I need to improve myself. Twenty-four years akong nawala dahil sa public service.

“Basta everybodys’ doing their best to give a fresh noontime show,” sey pa ni Isko.

Eh, ano ang masasabi niya sa isang driver na tinutulungan niya pero ang pinasalamatan ay ang Tito, Vic and Joey?

“Gaya ng sabi ko, hindi mapapalitan ang Tito, Vic and Joey. Mauulit pa ‘yan dahil bahagi na ng buhay natin sina Tito, Vic and Joey,” rason niya.

Dahil sa segment niyang “G” (go o gaybi as in bigay) sa gedli (gilid), binabansagan na si Yorme na bagong “ninong” sa Eat Bulaga.

AUTHOR PROFILE