Default Thumbnail

Ibang klaseng sahog

May 4, 2021 People's Tonight 6012 views

HINDI malaman ng mga bubuwit kung matatawa o maiinis sa ginawa diumano ng isang opisyal sa isang magandang lungsod.

Ayon sa mga chismosong bubuwit, diumano ay ginawang sahog sa pagkain ng opisyal na ito ang COVID-19 vaccine.

Sinabi rin sa bulong na mistulang ginawang karne iyong vaccine ni Puti at sinama sa ref ng mga pagkain.

Saan kaya niya kayang libro o komiks nabasa na puwede itong ihalo sa pagkain at gawing sibuyas?

Dahil puwedeng gawing sahog sa pagkain ang bakuna, baka naman iturok niya sa mga residente ay toyo at patis. Kung medyo nakakaangat sa buhay, baka black vinegar naman ang kanyang ibigay.

Hindi yata nabasa ng opisyal na ito na nagmula ang COVID-19 sa hayop at kumalat sa isang palengke sa Tsina?

Mas maganda siguro kung kunin natin ang opinyon ng DOH bilang mga eksperto sa bagay na ito. Ano sa tingin n’yo?

Pero hindi porke’t anak ng Diyos ang opisyal na ito ay makakalusot na siya sa kanyang ginawa umano.

Dapat din sigurong isama sa asunto ang iba pang mga lokal na opisyal na hinayaan ang ganitong maling pag-handle ng bakuna.

Bulong pa ng mga bubwit, mahilig kumain ng okra, among other gulay, ang mga opisyal na ito. Tamang-tama, masarap itong isawsaw sa patis na may kalamansi.

Para sa mga komento at suhestyon, mag-email sa [email protected]

AUTHOR PROFILE