Default Thumbnail

HVI tiklo sa P353K shabu sa Calamba

March 25, 2023 Gil Aman 216 views

KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL – Arestado ang isang “high-value individual” (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng Calamba police, Biyernes Marso 24, 2023.

Ayon kay Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, acting provincial director, Laguna Provincila Police Office (PPO) ang suspek ay residente ng Cabuyao City.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Milany E. Martirez, hepe ng Calamba City Police Station nagkasa ang mga operatiba ng buy-bust operation nitong Biyernes sa ganap na 4:51 ng hapon sa isang subdibisyon sa Bgy. 3, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek matapos magbenta ng iligal na droga sa police poseur buyer kapalit ng markadong salapi.

Kumpiskado sa suspek ang tatlong plastic sachets ng shabu na may timbang na aabot sa 52 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang P353,600, isang sling bag na naglalaman ng P500, at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensiya ay isusumiti sa crime laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang suspek sa kasong Republic Act (RA) 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

“Ang mga impormasyong ibinibigay ng ating mamamayan ang isang malaking susi sa pagkakaaresto ng mga taong sangkot sa iligal na droga. Ang inyong pakikipagtulungan ay tungo sa kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng buong Lalalawigan ng Laguna,” pahayag ni Silvio.

AUTHOR PROFILE