Harlene

Herlene, lagare sa serye at pageant

June 21, 2023 Vinia Vivar 254 views

Handang-handa na si Herlene Budol para sa Miss Grand Philippines 2023 kung saan ay isa nga sa mga kandidata ang Bb. Pilipinas 2022 first runner-up.

Hectic na hectic ang schedule niya dahil pinagsasabay niya ang taping ng Magandang Dilag at ang preparations for the pageant.

“’Pag wala pong taping, nagre-rehearsal po kami, nagpa-pasarela (walk), training, ayan. Pinagsasabay ko. Kaya ‘yan,” aniya.

Humihingi rin daw siya ng advice sa iba pang beauty queens tungkol sa kung paano ang tamang paglakad.

Kahit hirap sa schedule, happy naman siya at talagang pinipilit niyang kayanin.

Ngayong July na gaganapin ang Miss Grand Philippines 2023 habang ang first teleserye naman niyang Magandang Dilag ay magsisimula sa June 26 sa GMA Afternoon Prime.

AUTHOR PROFILE