Default Thumbnail

Hepe ng Tubao police, dedo sa road crash

April 5, 2023 Zaida I. Delos Reyes 454 views

PATAY ang hepe ng Tubao Municipal Police Station matapos na mabangga ang minamanehong kotse sa kasalubong na sport utility vehicle (SUV) nitong Martes sa Barangay Quinabang, Bacnotan, La Union.

Nakilala ang biktima na si Major John Maynard Macusi, 32, residente ng bayan ng Sudipen.

Batay sa inisyal na ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang kotse sa national highway ng Barangay Guinabang nang mabangga nito ang kasalubong na sasakyan na mula naman sa bayan ng Balaoan.

Naisugod pa si Macusi sa pagamutan subalit idineklara siyang dead on arrival ng mga doktor.

Nasugatan din sa insidente ang drayber ng SUV at dalawa nitong pasahero.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.