Default Thumbnail

Halos 9K katao nasa evac center dahil sa Bagyong Aghon

May 27, 2024 Chona Yu 61 views

AABOT sa halos 9,000 katao ang pansamantalang naninirahan sa mga evacuation center sa dahil sa Bagyong Aghon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Social Welfare and Development spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao na higit 2,500 pamilya ang nasa 165 evacuation centers.

Kabilang dito ang 2,200 pamilya sa CALABARZON, higit 200 pamilya sa MIMAROPA, at 43 pamilya sa Bicol Region partikular sa Camarines Sur.

Samantala, nasa higit 600 pamilya rin ang pansamantalang naninirahan sa mga kaanak o kaibigan.

Tinukoy ng DSWD na ang mga ito ay nasa Laguna, Quezon, Marinduque, Eastern, Norther at Western Samar.

Batay sa inisyal na tala ng ahensya, nasa 22 bahay ang nasira sa pananalasa ng bagyo kabilang ang apat na totally damaged at 18 partially damaged mula sa Camarines Norte at Samar provinces.

Hinomok din ng DSWD ang mga residenteng apektado ng bagyo na dumulong sa local government units (LGUs), social welfare officers para sa kailangang tulong.

Nakahanda aniya ang pamahalaan na tumugon sa pangangailangan ng mga apektado ng bagyo.

AUTHOR PROFILE